Nagkarelasyon pala sina Arron Villaflor at Jane de Leon parehong Kapamilya talents, but only for a short time.
Naging busy raw kasi sila sa early stage ng kanilang showbiz career.
Sa ngayon ay mas naging busy ang dalawa.
Si Arron ay kasaluk uyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Nasa cast din siya ng Cinema One Original’s entry, Utopia, kung saan co-stars niya sina Enzo Pineda at Vin Abrenica with Dustin Celestino directing.
Arron admits naiintriga siya sa genre na tinatahak ng Utopia, as it proves that anything that can go wrong will go wrong, yes, anytime. Unless nga a comet, so to speak, passes through the sky, as what happened in the movie.
Magaganap ang premiere night ng Utopia sa November 9, 10 p.m., sa Gateway Cinema.
Sa kaso ni Jane, abala siya ngayon sa kanyang rehearsals, especially for her stunts sa kanyang upcoming first title role movie, ang Darna.
Ogie produ na rin
Dagdag natin sa credentials ni Ogie Diaz na dating entertainment writer, tulad natin, Salve A., ang titulong movie producer.
Yes, bukod sa pagiging radio host, for six years now sa showbiz show na OMJ with MJ Felipe on DZMM, and an actor (nasa cast siya ng Sandugo with Aljur Abrenica at Ejay Falcon), producer na rin ng pelikulang Two Love You, with Benedict Mique directing, si Ogie.
Bida sa Two Love You sina Yen Santos, Arlene Muhlach maging ang comedian na si Lassy Marquez.
Introducing si Kid Yambao, Hashtag member na napapanood gabi-gabi sa popular series na Pamilya Ko.
Ang Viva Films, according to Ogie, ang magri-release ng Two Love You.
Yassi napisil na leading lady ni Matteo?!
Of Viva Films, it might just tap Yassi Pressman to play leading lady ni Matteo Guidicelli sa bagong version ng popular komiks series noong 70s, ang Pedro Penduko.
“Kung sabagay,” sabi ng isang kibitzer. “Di bago kay Yassi ang gumanap na leading lady ng isang action star.
“At home na at home siya, sa kanyang role bilang asawa ni Coco Martin (as Cardo, the police officer) sa FPJ’s Ang Probinsyano.”
Ang galing naman ni Matteo sa martial arts at arnis ang idi-display ni Jason Paul Laxamana, the director, to the max.”
No need to mention na kaya feel ni Matteo that fit siya sa mga action scenes sa Pedro… ay dahil he trained bilang member ng Scout Ranger ng (Armed Forces of the Philippines AFP). Yes, a few months ago.
Rodjun at Dianne dumayo sa Turkey para sa pre-nup pictorial
All system, kumbaga, go na sa nalalapit na kasal ng mag-dyowa nearly a decade now na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.
Magaganap ang kanilang wedding sa December 21 sa Manila Cathedral.
Isa sa tiyak na magiging member ng wedding entourage ay si Janine Gutierrez, who, as common knowledge, is the love of his life ng nakababatang kapatid ni Rodjun na si Rayver.
Para sa kanilang pre-wedding photos, dumayo pa ang engaged couple sa Cappadocia, Turkey.
Of Dianne, she may no longer be as active sa movies as she used to. Pero, may programa siya sa TV na siya ang host.
Dimples praying sa nominasyon sa MMFF
Guess who has been added to the cast of Vice Ganda’s Metro Manila Filmfest (MMFF) 2019 entry, The Mall, The Merrier…, which already has Anne Curtis at Tony Labrusca for co-starrers?
Walang iba kung hindi si Dimples Romana.
Hindi pa ina-announce ni Dimples ang kanyang role sa movie. Basta, isa raw ito sa kanyang pagsisisihan kung hindi niya tinanggap.
Dimples is now one actress to reckon with, sa kanyang role sa KD, nakatanggap na si Dimples ng Best Supporting Actress trophy sa katatapos na PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for TV.
Dimples is hoping, as well as praying, that in the MMFF entry, The Mall, The Merrier, her role will merit kahit a nomination man lang in the MMFF 2019 Gabi Ng Parangal, December 27, at the New Frontier Theater.
Tiyak, pag nagkataon, susog pa ni Dimples, magiging merrier than usual ang Christmas nilang mag-anak.
The 45th MMFF will run from December 25, 2019 to January 7, 2020.