^

Pang Movies

Matteo hindi umeksena sa pelikula ni Sarah

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Matteo hindi umeksena sa pelikula ni Sarah
Sarah

Matapos mag-back out sa movie remake ng Pedro Penduko ng Viva Films at pagkalas din mismo sa bakuran ng Viva ni James Reid, si Matteo Guidicelli agad ang naisip ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario na ipalit sa kanya.

James Reid’s loss is Matteo’s gain dahil tuloy na tuloy na ang filming ng kanyang kauna-unahang title role movie sa bakuran ng Viva kung saan siya lumipat mula sa pamamahala ng Star Magic.

Ang mahusay na writer-director na si Jason Paul Laxamana ang magdidirek sa ika-apat na movie franchise ng Pedro Penduko na unang ginampanan ni Efren Reyes, Sr. in 1954 na sinundan ni Janno Gibbs in two separate movies at binuhay naman ng ABS-CBN sa pamamagitan ni Matt Evans.

Makakasama ni Matteo sa makabagong Pedro Penduko sina Empoy Marquez at ang child star na si Alonzo Muhlach at iba pa.

Hindi naman issue kay Matteo na sinalo lamang niya kay James ang Pedro Penduko project dahil ang mahalaga ay sa kanyang lap ito napunta.

Nasa isang bakuran na ngayon sina Sarah at Matteo kaya hindi magiging mahirap sa dalawa kung sakaling maging handa na sila na magsama sa isang project either sa recording, concert o pelikula.

“Anything naman is possible,” pahayag ni Matteo na ayaw pa ring mag-share kung kailan nito gustong maging misis si Sarah G.

Bukod sa movie, pinaghahandaan na rin ni Matteo ang kanyang first album under Viva Records and hopefully kasunod na rito ang concert.

Speaking of Matteo, hindi ito umeksena sa red carpet premiere night ng bagong movie ni Sarah G., ang Unforgettable na ginanap sa cinema 1 ng SM Megamall last Monday evening, October 21 dahil gusto niyang naka-focus lamang kay Sarah at sa ibang cast ang attention ng mga taong dumalo.

In fairness, napakahusay dito ni Sarah maging ng asong si Milo. Lutang din ang husay sa pag-arte ni Gina Pareño na siyang gumanap na ailing lola ni Sarah sa pelikula maging ang singer-comedienne at Jowable star na si Kim Molina na dumating sa premiere kasama ang nobyong actor-comedian na si Jerald Napoles ng GMA-7.

Julia lapitin ng kontrobersiya!

Sa halip na makisawsaw sa away ng kanyang inang si Marjorie Barretto, mga tiyahing Gretchen at Claudine Barretto at pinsang si Nicole Barretto, gustong mag-focus ni Julia Barretto sa kanyang trabaho lalo pa’t meron siyang bagong digital TV series sa IWant, ang I Am U kung saan niya katrabaho for the very first time ang actor na si Tony Labrusca. Ang 8-part series ay pinamahalaan ni Dwein Baltazar at jointly produced ng The IdeaFirst Company nina Jun Lana at Perci Intalan at Dreamscrape Digital ni Deo Endrinal.

Marami ang nakakapuna na lapitin umano sa kontrobersiya si Julia na nagsimula nang subukan nitong palitan ang kanyang totoong apelyidong Baldivia sa kanyang maiden name na Barretto. Ang Baldivia ay siyang real family name ng kanyang ama, ang actor-comedian na si Dennis Padilla.  Sumunod dito ang recent break-up nila ng nobyong si Joshua Garcia at ang pagkakadawit ng pangalan ni Julia sa break-up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Although tahimik na ang nasabing isyu, damay din si Julia sa Barretto scandal matapos nitong mag-post na kahit ano pa umano ang mangyari ay nasa side siya ng kanyang ina bagay na pinalagan din ng kanyang tiyahing si Gretchen.

vuukle comment

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with