Maaring tanungin ng maraming manonood kung ano ba ang kaibahan ng bagong pakontes ng ABS-CBN na Your Moment sa Tawag ng Tanghalan at World of Dance Philippines dahil ang napapanood sa trailer nito sa TV ngayon ay mga nagsasayaw at kumakanta.
Maaring kapareho ng TNT at WOD ang konsepto ng YM pero mas malawak ang sakop ng bagong show.
Isa itong 2-in-1 na paligsahan sa sayawan at kantahan pero walang solo acts, pawang grupo ang tinatanggap na kalahok. At hindi confined sa mga local talents ang mga contestant dahil may mga grupo na sumali na mula sa ibang bansa. Malaking atraksyon ang pangyayaring global ang paligsahan at mapapanood sa labas ng Pilipinas na siyang gusto ng kapartner ng Kapamilya na Fritz Productions ng Netherlands at ang tig-P2M na premyo. May kalahok mula sa France, Japan, Korea, India at marami pa.
Bagong grupo rin ang magsisilbing host ng programa na magsisimula sa November 9, sina Luis Manzano at Vhong Navarro. Kilalang host ang anak ng Star For All Season pero, ngayon lamang sila pinag-tandem ng host ng It’s Showtime. Palaging sila ni Billy Crawford ang magkasangga sa paghu-host pero, nauna nang inalok at tinanggap ni Billy ang pagiging hurado ng Your Moment kaya kinailangang hanapan si Luis ng bagong co-host.
Ngayon din lang mapapanood ang grupo nina Starbuilder Boy Abunda, Internatioal R&B Sensation Billy Crawford at Multi Media Princess Nadine Lustre bilang mga hurado.
Nung una ay nahirapan pa si Nadine na lumabas sa kanyang shell at magbigay ng komento sa mga kalahok, napapaiyak din siya sa kagalingan at talento ng mga sumasali pero kalaunan ay tinanggap na rin niya ang katotohanan na world class ang mga Pinoy.
Bukod sa isang revolving stage na gagamitin sa paligsahan, magsisimula sa black & white ang bawat performance ngunit habang tumatakbo ito ay nagkakaroon na ng kulay at nagkakailaw na ang stage. Gagamitin din sa Your Moment ang isang “emotion meter” para ma-determine kung sino ang mananalo.
Makikita ito at ang mga score ng judge sa TV at sa loob ng studio. Apat na levels ang dapat pagdaanan ng acts sa kumpetisyon bago tanghaling grand champion.
Julia susubukan sa digital
Kailangan pang mag-collab ng Dreamscape at ng IdeaFirst Company para magawa ang isang poject sa iWant na unang pagtatambalan nina Tony Labruska at Julia Barretto.
Wish lamang ng mga follower ni Julia na makayang maibalik ni Tony ang ningning ng karera ng kontrobersyal na aktres matapos ang maraming kanegahan na kinasangkutan nito.
‘Di tulad sa mga sinehan na kailangan pang humugot ng manonood sa kanilang bulsa ng pambayad sa kanilang panonoorin, sa iWant ay walang takilya na magdidikta kung magtatagumpay man o hindi ang gagawing proyekto ng bagong tandem.
Marian gagawa na rin ng pelikula sa Kapamilya?
Sumampa na rin si Dennis Trillo sa bakod ng Star Cinema, film arm ng ABS-CBN. Buti naman at pinayagan siya ng kanyang mother company na gawin ito dahil tulad ng sinabi ni Dennis ay maalagaan siya ng husto ng kalaban ng GMA at nakasisiguro siya ng isang magandang proyekto mula sa kanila. Hindi lamang si Dennis ang Kapuso artists na pinayagan ng network niya na makapagtrabaho sa kalabang istasyon. Nauna na sa kanya sina Dingdong Dantes at Alden Richards. May balitang may usapan na ring nagaganap sa pagitan ng Kapamilya at ni Marian Rivera?
Alexa enjoy sa relasyon nila ni Joshua
Kung dati ay napag-iiwanan si Alexa Ilacad ng kanyang mga kaedad at kasabayang artista, bigla ay arangkada siya sa paggawa ng mga proyekto. Kung bunga ang magandang takbo ng kanyang karera ng kasipagan o ng isang broken heart, mukha namang naka-move na siya o natabunan na ang kanyang lungkot ng saya na dulot ng pagiging leading lady niya sa Santigwar at ang magandang role niya sa serye ng ABS-CBN na The Killer Bride bilang isang kontrabida na pilit inaagaw ang BFF niya na ginagampanan ni Joshua Garcia sa karakter ni Janella Salvador. Aliw si Alexa dahil napaglalaruan niya ang kanyang role, kasabay ang pagli-link sa kanila ni Joshua.
Taken na kasi si Janella kaya silang single ni Joshua ang napagtutuunan ng pansin ng manonood. Both young actors do not mind dahil nakakatulong sila sa promo ng series na sa simula pa lamang at hanggang ngayon ay patuloy na nagti-trending.
Hindi naman sila apektado ni Joshua kahit nabibigyan ng kulay ang kanilang closeness. She admits she has found a friend in him at kung magbu-blossom ito into somethings more serious and romantic is not for her to speculate. For now she is enjoying their friendship. And it seems mutual ito.
Kung kailan mahirap ang tubig. sunog sunud-sunod
Dati tuwing buwan ng Marso lamang nagkakasunog at sunud-sunod pa. Nakakataka kung tutuusin dahil fire prevention month ang March. Pero, ngayon magpa-Pasko na pero panay pa rin ang sunog. Pati ba naman sunog ay naapektuhan na at nag-iba na ng panahon? Kung kailan pa naman mayro’n tayong krisis sa tubig at sa kabila ng maraming bagyo at pagbaha ay ayaw mapuno ng Angat Dam. Tsk. Tsk. Tsk.