Issue ng magkakapatid na Barretto, nakakaloka na!
Alam mo, Ateng Salve, nakakaloka na ang mga nangyayari ngayon sa showbiz, huh!
Napansin mo ba na trending ang awayan ng pamilya Barretto?
Mas pinag-uusapan nga ang problema ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, Claudine at ibang mga miyembro ng kanilang pamilya.
Sanga-sanga na ang mga issue.
Ang daming nadadawit.
Tunay na nakakalungkot lalo na at ngayong araw pa lang na ito iki-cremate ang mga labi ng kanilang patriarch na si Mr. Miguel Barretto.
Kung may Fairy Godmother nga lang ako at mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kahit na isang wish, gusto ko na magkabati-bati na ang pamilya Barretto.
Sa mga pangyayari kasi ngayon, parang ang hirap maayos ng gulo nila.
Regine diretso ASAP pagkatapos ng concert kay Sharon
Ay, ang aga-aga ko kahapon sa Iconic concert sa Araneta Coliseum dahil takot ako na maipit sa traffic, huh!
Inabutan ko pa na nagre-rehearse sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid.
Ang galing-galing talaga ng Megastar at Asia’s Songbird.
Anyway, mamayang gabi and second and finale night ng Iconic at nakakapanghinayang naman kung may iba kayong numbers na hindi maaabutan kung maipit kayo sa traffic, kaya sa may mga hawak ng tickets, agahan na ninyo ang punta sa Araneta Coliseum, huh!
Kahit nga pala nag-concert ng two nights si Regine ay nasa ASAP Natin ‘To pa rin siya bukas.
Aga at Alice inaabangan sa Nuuk
In fairness to Aga Muhlach and Alice Dixson, maraming interesadong panoorin ang Viva Films movie na Nuuk dahil sa kanila.
Marami nga ang nagsasabing tiyak na maganda ang pelikula dahil parehong magaling umarte sina Aga at Alice.
Ako, type kong panoorin ang Nuuk dahil noon ko pa gustong puntahan ang lugar na ‘yon.
Sa isang nabasa ko tungkol sa lugar na ‘yon ay sinasabing, “Nuuk is the capital city of the autonomous country Greenland. This country has the record of having the highest rate of suicide in the world, with speculations that it’s because of the cold weather or its isolation from other countries, The real reason why suicide often occurs in the country is still unknown.”
Anyway, alam mo ba, Ateng Salve na ang Nuuk is the first Filipino movie shot in Greenland, at in cooperation with the Embassy of the Kingdom of Denmark, the one who governs over Greenland.
Ang bongga!
‘Yun na!
- Latest