Away ng pamilya matuldukan na kaya? Ama nina Claudine, Marjorie at Gretchen yumao!
As we beat the deadline, isang malungkot na balita ang nakita namin sa Instagram account ni Claudine Barretto. Pumanaw na ang kanyang amang si Miguel Barretto na matatandaang mahigit isang linggo nang nasa hospital.
Nag-post si Claudine ng short vid na nakapaligid sila (Barretto family) sa kama ng kanyang ama na tila kapapanaw lang. Sa caption aniya, “we luv u Dad.”
Nag-post din siya sa kanyang IG Story ng mga katagang “never knew I could hurt like this. Goodbye Dad.”
Bago ang pagpanaw ng kanyang ama ay nag-viral pa sa internet ang mga larawan ni Claudine at Marjorie na magkasama at nasa isang family meeting.
Matatandaang matagal nang may hindi pagkakaintindihan sina Claudine at Marjorie kaya marami ang natuwa na makita silang magkasamang dalawa.
May lumutang din na larawan nina Claudine at anak ni Marjorie na si Julia Barretto na magkausap habang nasa ospital and again, maraming natuwang netizens sa larawan.
Sana nga ay matuldukan na ang alitan ng Barretto sisters lalo na ngayong wala na ang kanilang ama.
Mula sa Pang-Masa, nakikiramay po kami sa pamilya Barretto.
Aga nagbalik-tanaw sa pagiging pasaway!
Sa prescon ng pelikulang Nuuk na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Alice Dixson, na-open-up ng aktor ang panahon ng kanyang rebellious years na hindi siya sumisipot sa mga shootings and presscons.
Mga taong 1986-1989 daw ‘yun na ligaw lang siya nang ligaw.
“Na para bang darating ako sa shooting nu’n dahil kailangang dumating. So, ‘yun ‘yung mga panahong, nasa set na lang, hindi ako dumarating. Presscon, hindi ako dumarating. Madami.
“‘Yung iba rito, alam ‘yan. Si Miss Ethelwoda Ramos (ang dati niyang manager), alam niya ‘yan. Darating ako sa presscon, pilit na pilit, tapos sasabihin, ‘dumating ka pa!’ Tapos naka-shorts lang ako, naka-rubber shoes, tapos 10 minutes sa presscon, lalayas ako, biglang lalakad na lang ako,” kwento ni Aga.
Pero malaki na raw ang ipinabago niya ngayon and sobrang thankful naman daw niya na kahit ngayong 50 years old na siya ay binibigyan pa siya ng malalaking pelikula.
“I had Seven Sundays, I had First Love with Bea (Alonzo), and then, I have Nuuk, this one with Alice, and then I have Miracle Cell No. 7 for the Metro Manila Film Festival. So what more can I ask for really? Parang in a span of two years, ganito ang nangyayari sa akin.
“So, I can’t complain. Again, I’m grateful,” he said.
Sa ngayon daw ay he’s at his happiest sa edad na 50.
“I’m at my most happiest right now, I’m at my most comfortable, I’m at my most happiest, and then content. There’s so much content in my life. It starts with my family, my wife, my kids and the entertainment industry who’s still there, and my passion is still there.
“Tapos, parang napagdaanan ko na lahat. Na merong ganu’n feeling, so I can sit back and just watch and observe people,” he said.
Samantala, ang Nuuk ay reunion movie nina Aga at Alice na huling nagkasama noong 1991 pa sa pelikulang Joey Boy Munti: 15 Anyos ka sa Muntinlupa.
Ito rin ang first Filipino film shot in Greenland and was also produced in cooperation with the Embassy of the Kingdom of Denmark, the one who governs over Greenland.
The movie is showing on Nov. 6 mula sa direksyon ni Veronica “Roni” Velasco.
- Latest