Hindi pala nanonood ng horror and suspense movies or TV shows si Alyssa Muhlach. Kaya pala reluctant siya noong una na magbida with Dennis Trillo, Raymund Bagatsing at Beauty Gonzales, sa horror flick ng ABS-CBN Films-Star Cinema, ang Hellcome Home, directed by Bobby Bonifacio, Jr.
Ganunpaman, nanghinayang din siyang huwag gawin ang movie, lalo’t nang malaman niyang gaganap siya bilang misis ni Dennis.
Eh, tagahanga raw siya ni Dennis. Impressed din daw siya sa mga magiging co-stars niya, to repeat, sina Raymund at Beauty. Plus sina Teejay Marquez at Gillian Vicencio, Miel Espinosa at mga child star na sina Nhikzy Calma at Baby Starr.
In any case, to help her prepare for the movie, lalo’t ng kanyang role, direk Bobby lent her a DVD ng foreign film na The Shining.
Nanginig daw siya habang pinanonood ang pelikula. Bale raw ba, nag-iisa lang siya habang pinanonood niya ito.
Nang matanong kung paano siya na-assess ng kanyang Tito Aga Muhlach, brother ng kanyang actress-mom na si Almira Muhlach, ayon kay Alyssa ay ‘di pa nito napapanood ang kabuuan ng pelikula na nakatakdang ipalabas in theaters nationwide, October 30.
Isa sa pinaka-promising among the new set of female stars today, Alyssa is also in the cast of the trending series, Pamilya Ko, co-starring her naman with Joey Marquez, Sylvia Sanchez, JM de Guzman, Arci Muñoz, Kiko Estrada, Mariz Racal, Jairus Aquino, and Mutya Orquia.
Featured ang senior stars na sina Rossan Roces, Irma Adlawan at Perla Bautista sa direksyon naman ni Raymund Ocampo.
Movie na idinirek ng tatay ni Daboy, mapapanood uli
Isa o malamang parehong dadalo sina Renz at Ralph Fernandez, sons of the late action star Rudy Fernandez sa premiere bukas (October 17) sa Cinema premiere sa Gateway Cinema 7 ng pelikulang Malvarosa, filmed in 1958 (repeat : year 1958), and directed by Rudy’s dad, the late Gregorio Fernandez, isang medical doctor by profession.
Hindi makakadalo si Lorna Tolentino, actress-widow ni Rudy, dahil may taping yata ito sa kanyang ongoing series with Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Ang Malvarosa na produced by LVN Pictures ay tinatampukan nina Charito Solis, Leroy Salvador, Carlos Padilla, Jr., Eddie Rodriguez, Rebecca del Rio, Linda Roxas, Vic Silayan, Vic Diaz, Rey Ruiz at Johnny Reyes, all respected and admired performers in their time.
Malvarosa was a komiks serial, authored by then very popular komiks writer Clodualdo del Mundo. Ang award-winning scriptwriter na si Consuelo Osorio ang sumulat ng script.
Of direct Gregorio Fernandez, nagpa-practice siya ng medicine nang mahikayat na pasukin ang showbiz bilang director.
Bukod kay Rudy, nag-showbiz din ang anak niyang babae, si Merle Fernandez na sumakabilang buhay na rin.
No need to tell you that both Renz and Ralph are in showbiz, too. Ralph is now a promising movie and TV director. Renz is an actor.
Biyaya ng Lupa ipalalabas din
Isa pang classic, ang Biyaya Ng Lupa, na kinunan noong 1959 at idinirek ni Manuel Silos, ang ipapalabas din ngayon after Malvarosa.
Based on a story by award-winning novelist Celso Carunungan, ang Biyaya Ng Lupa ay pinagbibidahan nina Rosa Rosal, Tony Santos, Leroy Salvador, Carmencita Abad, Carlos Padilla, Jr. at Marita Zobel.
Ang nasabing pelikula ay nanalo ng several international awards.
Restoring old but still very relevant films is a project of ABS-CBN. Aim nila to keep these films in shape, para nga mapanood ng mga filmgoer sa kasalukuyan at maging ng mga filmmaker.
And, so far, so good, which should merit Leo Katigbak, head of ABS-CBN Film Restoration Project, a pat on the shoulder.
More power, too, Leo K.
Sylvia proud sa award ni Arjo
Speaking of Sylvia Sanchez, na-overwhelmed daw siya ng labis sa recent victory ng panganay na si Arjo Atayde bilang Best Supporting Actor sa kanyang performance bilang special person sa katatapos na series na The General’s Daughter.
Arjo, on his part, credits Maricel Soriano, who played his Mom sa teleserye, for his portrayal of his role. Naging napakabait at inspiring daw si Maricel.
Saludo rin daw si Arjo kay Angel Locsin na nagwagi namang Best Actress sa kanyang portrayal sa The General’s Daughter.