^

Pang Movies

Elisse, Jameson, di pa nagsisimula wala na agad!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa

Opisyal na wala na sina Elisse Joson at Jameson Blake. Makakahinga na ng maluwag si McCoy de Leon.

Sino nga ba naman ang mapapalagay ang loob sa tuwing kasama niya ang isang kaibigan at malapit na kasamahan sa Hashtags na kung hindi man inagaw ang mahal niya ay siyang pumalit sa kanya sa puso ng nakahiwalayan na girlfriend? Magaling lang silang magtago ng kanilang mga nararamdaman pero kahit kailan ay hindi naman pinaniwalaan ng publiko ang kanilang closeness. Even to their supporters, to them it was unnatural.

Makakatulong din sa mabilis na pagmo-move on ni McCoy ang pangyayaring hindi pala naging sina Elisse at Jameson, noon at magpahanggang ngayon nasa friendzone lang sila.

‘Di man direktang nagsabi ng ‘I love you’ si Jameson kay Elisse, nanay nito ang niligawan niya. Pinayagan naman silang lumabas paminsan-minsan, pero talagang pagkakaibigan lang ang maibibigay ng aktres.

Ngayon ay hindi na rin nagpapansinan sina Elisse at Jameson, pero nananatili silang magkaibigan.

Hindi ang pakakaroon ng bagong pag-ibig ang makakatulong para makalimot si Elisse, napaka­rami niyang projects na kung saan mga older actor ang kanyang katambal, katulad nalang ni Richard Gutierrez sa Maalaala Mo Kaya at kay Ejay Falcon at Aljur Abrenica sa Sandugo.

Sa kanyang pananamit at hitsura ngayon, obvious na mature roles na ang tinatarget ni Elisse ngayon.

Tatay ni Nadine suko sa bashing

Matapos ang naging maintrigang isyu ni Morissette Amon sa kanyang ama, si Ulysses ‘Dong’ Lustre naman na ama ni Nadine Lustre ang binibirada ng maraming fans and supporters ni Kathryn Bernardo dahil sa isang post nito sa kanyang Facebook account nung October 9, 2019 na sa tingin ng fans ng Teen Queen ay ang idolo nila ang pinatatamaan.

Inulan agad ng bashings ang Popshie ng ka-loveteam ni James Reid, marami ay below the belt, gaya ng pagpapalaki nito sa anak at ang pagpayag niya na makipag-live-in ito kay James ay nahalukay na.

Marami pang iba, kung kaya marahil ay binura na nito ang post niya sa FB.

Sana, kinausap na lamang niya ang kanyang anak sa mga kaganapan nito at sa napi-feel niya. He should have said his piece without insinuating anything na gaya ng bintang nila sa kanya. Tsk. Tsk. Tsk.

Coco at Baron kinasasabikan ang pagkikita

Nabibitin ang mga manonood sa tinututukan nilang paghaharap nina Cardo (Coco Martin) at Bungo (Baron Geisler) sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa napakaraming commercial. Ang isang eksena ay halos 10 ads ang mapapanood bago mag-resume sa palabas. Lalo tuloy nanggigigil ang viewers.

Hindi lamang sa Ang Probinsyano nagaganap ito, maging sa Kadenang Ginto rin daw at sa iba pang palabas sa Dos.

Feeling tuloy ng viewers ay masyado na silang sinasamantala ng network na baka naniniwalang hindi nila ito napupuna, pero nagkakamali sila. Baka sa kalaunan ay atrasan na sila ng viewers at manood na lamang ng ibang palabas o ng laro ng volleyball o basketball.

Sharon malabong malimutan ng fans

Hindi naman dapat na malungkot ang Sharo­nians sa gagawing pagreretiro ng Megastar. Dalawang taon pa naman ito bago maganap. Marami pa siyang gagawing proyekto na maiiwan sa mga tagasubaybay niya sa kanyang pagalis, gaya ng concert nila ni Regine Velasquez na Iconic.

I’m sure rin na may dadating pang roles na magugustuhan niya at pakatandaan na okay na sila ni Gabby Concepcion, baka matuloy pa ang re­union project nila. Walang dapat ikalungkot si Sharon o ang fans niya, lubha siyang maraming nagawang magandang proyekto at maiiwang magagandang alaala sa lahat sa kanyang pagreretiro.

ELISSE JOSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with