^

Pang Movies

Matumal ang dating ng trabaho, Julia tutok sa vlogging!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Matumal ang dating ng trabaho, Julia tutok sa vlogging!
Julia

Dahil matumal ang pagdating ng offers sa ngayon, ginugugol muna ni Julia Barretto ang kanyang panahon sa pagiging vlogger. Para sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ang vlogging, isa itong paraan ng pagpo-post ng mga video para marating ang mas malawak na audience at makahikayat ng bisita sa kanilang site.

Marami ang kumikita na ng malaki dahil sa vlogging.

So far, matagumpay ang effort ni Julia dahil meron na siyang 94,000 subscribers sa YouTube channel nito. Ang nakukuha niyang subscribers ay sigurado nang susuportahan siya once na magka-project siya.

Dawn nilayasan na ang GT, hindi natuto ng sabay-sabay na pagsasayaw

Hindi na parte ng grupong GirlTrends (GT) ang dancer at ex-Pinoy Big Brother housemate na si Dawn Chang na tumatayong lider ng nasabing grupo.

Sa paglabas nito bilang hurado sa isang segment ng It’s Showtime, kinumpirma nito na wala na siya sa dating grupo.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng iringan sa pagitan ni Dawn at ng isa pang GT na si Chie Filomeno. Nagpasaring daw kasi ang una sa social media account nito na hindi raw sabay-sabay kung magsayaw ang grupo ni Chie na nag-trending sa Facebook at Twitter bilang meme, na sinang-ayunan naman ni Vice Ganda.

Hindi naman nagpatalo si Chie at dumepensa ito gamit rin daw ang kanyang social media account.

Ito nga ba ang naging dahilan ng paglayas ni Dawn sa GT?

Aga may investment sa Nuuk

Isa rin pala si Aga Muhlach sa nag-produce ng movie nila ni Alice Dixson na Nuuk kasama ng Viva at Max Productions.

Ang nasabing pelikula ang magsisilbing comeback ni Alice sa big screen. Nauna nang gumawa ng pelikula si Aga katambal si Bea Alonzo, ang First Love, bago pa man nila gawin ang Nuuk.

Bago sumabak sa shooting sa Greenland, nagpahinga raw muna ang aktres.

Samantala, nagkaroon na ng premiere ang Nuuk sa Greenland na dinaluhan ng diplomats at VIPs ng Danish Embassy.

Magkakaroon din naman ng premiere sa Pilipinas ang pelikula bago ito mag-run sa mga sinehan.

Elisse maraming natanggap na tip kay Richard

Mapapasabak si Elisse Joson sa akti­ngan sa episode ng Maalaala Mo Kaya sa darating na Sabado mula sa panulat ni Joan Habana at direksyon ni Andoy Ranay. Role ng isang empleyado ang gagampanan niya na na-attract sa kanyang employer na ginagampanan naman ni Richard Gutierrez. Matutuwa ang mga manonood sa pagpapa-cute na gagawin niya para makuha ang pansin ng guwapong boss.

Itinuturing ni Elisse na isang malaking hamon ang assignment niya sa MMK dahil hindi niya kaliga ang kanyang kapareha. Na-intimidate nga siya nung una pero mabait na kapareha si Richard, generous with his tips. Malaking tulong din sa kanya si Direk Andoy na ginabayan siya para maging mahusay sa kanyang performance.

FDCP target na mapasikaT ang Pilipinas sa paggawa ng pelikula

Bukod sa pagtataguyod ng Philippine Cinema sa Busan International Film Festival, matagumpay na nailunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ni Chair Liza Diño-Seguerra ang dalawang film incentives para makahikayat ng mga international film production na magtrabaho at mag-shooting sa bansa.

Layunin nito na magbigay ng holistic shooting experience sa ilalim ng Film Philippines na magbibigay ng tulong pinansyal sa international productions at co-productions kasama ang mga producer na Pilipino na may budget na hindi bababa sa P8M o $155,000.

Maari nang mag-apply simula January 2020. Ang programang ito ay ginagawa ng FDCP para tulungang maging global ang ating audiovisual industry.

JULIA BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with