MANILA, Philippines — Mahirap din pala ang pinagdaanan ng GMA Newscaster na si Vicky Morales. Nag-umpisa pala siya sa ABS-CBN nang magpatawag ang network ng audition. Nasa Ateneo pa siya nung nag-apply siya sa ABS CBN at luckily ay nakuha siya. Inalok pa raw siya ni Charo Santos-Concio na mag-artista pero news reporting ang type niya.
Alam n’yo ba na nakasama ni Ms. Sharon Cuneta at Gary V si Vicky sa isang Coke commercial years back na ang campaign theme ay What A Feeling?
Dumaan si Vicky sa iba´t ibang training being a news reporter at naranasan daw niya lahat until nag-anchor na siya. Pero after three months ay natanggal siya dahil hindi kumbinsido noon ang mga executive sa performance niya.
Aminado naman si Vicky na sa three months na ‘yun at kinakabahan pa rin siya kapag nasa harap siya ng camera. Pero iniyakan daw niya ang pagkakatanggal sa kanya. Pero lalo siyang nag-excel until nakatanggap siya ng isang tawag mula sa production staff ni Dong Puno at kinuha siyang co-anchor ni Dong sa isang business program sa ABS.
Marami raw siyang natutunan kay Dong Puno na kinonsidera niya as her mentor. Tapos nung nagkaroon ng opening sa GMA ay nag-apply siya and the rest is history.
Nakatsika namin si Vicky one night sa BGC dahil sa lifetime achievement award na igagawad sa kanya ng PMPC 33rd Star Awards for TV sa Linggo ng gabi. At ang venue ay sa Alma Mater niya na Ateneo de Manila.
Gabbi at Gil may pakilig
Mas matitinding action scenes ang dapat na abangan ng mga tagasubaybay ng Beautiful Justice sa muling pagbabalik ni Charmaine (Bing Loyzaga) sa buhay ni Lady M (Valeen Montenegro) na siguradong magdadala na naman ng pasakit kina Alice (Yasmien Kurdi), Brie (Gabbi Garcia) at Kitkat (Bea Binene).
Samantala, hit na hit naman ngayon ang tambalan na nabubuo sa pagitan ng karakter nina Gabbi at Gil Cuerva (Vin) na ngayon ay poging-pogi sa kanyang bagong short hair.