^

Pang Movies

BF ni Mikee madalas ka-ML ni Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Philstar.com
BF ni Mikee madalas ka-ML ni Alden
Alden Richards

Nakabuo ng mga bagong kaibigan si Alden Richards sa pagti-taping nila ng inspirational drama series nila, ang The Gift. Ito ang masayang kuwento nina Mikee Quintos at Mikoy Morales nang mag-set visit sa Sta. Mesa, Manila ang ilang entertainment press.

First time lamang daw nila nakasama nang matagal si Alden, at ngayon ay napatunayan nila ang mga bali-balita kung gaano siya ka-down-to-earth, napakabait na katrabaho, ang tinaguriang Asia’s MultiMedia Star.

“Si Alden wala kang maririnig na reklamo kahit sa mga mahihirap na eksena,” sabi ni Mikoy. “Marami na rin po akong natutunan sa kanya pagdating sa trabaho, kaya po thankful ako sa GMA na isinama nila ako sa project na ito.  At tama po lahat ang mga naririnig kong papuri sa kanya. Kaya naman ako, kami ni Mikee, all out ang support sa kanya sa mga mahihirap na eksena na naroon kami, tulad noong nagkagulo sa Divisoria at nabaril si Sep (Alden).”

Biniro naman si Mikee kung hindi ba siya naba-bash ng mga fans dahil ang role niya ay secretly in love siya kay Sep.

“Hindi po naman maiiwasan, pero hindi ko na iniintindi iyon,” sagot ni Mikee. “Ang focus ko po ay ang character ko bilang si Amor. Hooked na po ako sa story namin at kung minsan, nagsusulat ako ng dialogue na gusto kong idagdag sa script at ipinababasa ko ito kay Direk LA (Madridejos), at tinatanggap po niya at nagagamit ko.”

Hindi na rin tumanggi si Mikee nang sabihin naming bumibisita sa taping nila ang boyfriend niya at nakakalaro minsan ni Alden ng Mobile Legends, kapag hindi ito kasama sa eksena. High school friend niya ang boyfriend niya na tapos na rin ng college. Pero ayaw pang sabihin ni Mikee ang name ng guy na may pagka-Chinese ang looks.”

Ang The Gift ay napapanood gabi-gabi after ng Beautiful Justice.

Elijah kinaaaliwan ang role

Isa pang serye na nagku-comment talaga ang mga netizen ay ang GMA Afternoon Prime drama series na Prima Donnas. Enjoy sila sa tatlong tween stars, ang triplets na sina Jillian Ward as Mayi, Althea Ablan as Ella at Sofia Pablo as Lenlen. 

Ang kinatutuwaan nilang i-comment ay si Elijah Alejo as Brianna.  Kung ang triplets ay ang tunay na anak ni Jaime (Wendell Ramos), si Brianna naman ay tunay na anak ni Kendra (Aiko Melendez) na siya niyang dinala sa bahay ng mga Claveria at sinabing siya ang panganay na nawawalang anak ni Jaime.

Super sungit at mayabang si Brianna kaya galit sa kanya ang mga netizen na nagsasabing malapit nang matapos ang pagiging Claveria niya dahil magkakasama-sama na ang triplets.

Sa direksyon ni Ms. Gina Alajar, napapanood ang Prima Donnas pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->