Walang interes sa pag-aartista Kobe kuntento na sa pagiging endorser!

Kobe

Bongga si Kobe Paras dahil sa kanyang bagong TV commercial na siya ang bida.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit hindi na ni-renew ang kontrata ng aktor na pinalitan ni Kobe bilang endorser? Hindi ko rin alam ang dahilan pero kalat na ang pagkakaroon ng attitude problem ng aktor.

Anyway, sunud-sunod ang mga bonggang project ni Kobe. Available sa H&M ang mga t-shirt na siya ang nag-design at may television commercial din na kasama niya ang kanyang ama na si Benjie Paras at kapatid na si Andre.

May mga acting job na offer para kay Kobe pero ayaw talaga nito dahil mas gusto niya na maglaro ng basketball.

Happy na si Kobe  na magkaroon ng mga product endorsement kaya maya’t maya rin na napapanood siya sa TV.

Mas malaki rin ang talent fee at less ang pagod ni Kobe sa shoot ng kanyang mga television commercial kaya happy and contented na siya sa career niya.

Isa pang anak ni Niño gusto na ring mag-artista

Hindi nakapagtataka na gusto ring pumasok sa showbiz ni Sandro Muhlach, ang panganay na anak ni Niño Muhlach at ng ex-wife nito na si Edith Millare.

Nasa dugo ni Sandro ang pag-aartista dahil sikat na aktor ang kanyang ama at popular child actor ang kapatid niya na si Alonzo.

Stage actress naman ang nanay ni Sandro na si Edith pero US-based na ito at may iba nang pamilya.

Tuwing bakasyon, pumupunta si Sandro sa Amerika para bisitahin ang kanyang ina dahil nasa poder siya ni Niño.

Kyline naunahan pa ang nam-bully

Good luck kay Kyline Alcantara dahil ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Black Lipstick.

Certified star na si Kyline dahil may launching movie na siya, courtesy of Obra Cinema, ang movie production ng aking favorite mayor, si Enrico Roque ng Pandi, Bulacan.

Nakakatuwa si Papa Enrico dahil sa suporta na ibinibigay niya sa local movie industry. Kung tutuusin, hindi na kailangan ni Papa Enrico na mag-produce ng pelikula dahil busy siya sa kanyang mga responsibilidad bilang mayor ng Pandi, Bulacan pero malaki talaga ang malasakit niya sa Philippine movie industry.

Masuwerte si Kyline dahil siya ang napili ni Papa Enrico para maging lead actress ng Black Lipstick.

Nagbunga na ang mga paghihirap at pagtitiyaga ni Kyline na unang napansin sa kanyang contravida role sa Kambal, Karibal. Mula noon, gumanda na ang takbo ng showbiz career ni Kyline na totoo naman na nakaranas ng bullying.

Show comments