^

Pang Movies

Kapitanang anak ng dating aktres, may pakawanggawa!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gusto ng kapitana na si Michelle China Yu na anak ni Amanda Amores na magpakain ng mga katutubong Aeta sa Tarlac kesa maghanda ng magarbo sa darating na November 12. Gusto raw kasi nito na mabigyan sila ng maagang pamasko na sinang-ayunan naman ni Amanda.

Maganda ang naisip na ito ni Kapitana, nagka-idea raw kasi ito noong magpunta sila sa Clark, Pampanga para sa isang meeting at makita ang kalagayan nila.

Si Kapitana Michelle at Congresswoman Bernadette “BH” Herrera-Dy ang magkatuwang sa gagawin nilang feeding program. Bukod dito, may feeding program din si Amanda sa mga kabataan sa barangay na nasasakupan nila sa Sto. Domingo.

Elizabeth at Aurora may asim pa!

Ayaw magpakabog ng former beauty queen na si Elizabeth Oropesa kay Jo Berry pagdating sa pakikipagbatuhan ng dialogue sa serye ni Alden Ri-chards na The Gift. Sila ang gumaganap na lola at ina ni Alden.

Samantala, bigay-todo rin naman sa pag-arte ang isa pang dating beauty queen na si Aurora Sevilla bilang lola rin ni Janella Salvador sa seryeng The Killer Bride ni Maja Salvador.

Hindi pa rin naman kumukupas ang ganda ng dalawang beauty queen, magaganda pa rin sila at masasabing may alindog pa.

Lotlot at Celia nakalimutan din sa Sandaan?!

Sa katatapos lang na Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, marami ang nag-congratulate kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairwoman Liza Diño dahil sa tagumpay nito. Maraming mga artista rin ang napagtipon-tipon niya sa Sine Sandaan na isang pagdiriwang para sa ika-100 taon ng Philippine cinema, pero may mga nagtataka lang. Bakit daw sa dinami-dami ng artistang nandun, bakit daw yata parang hindi nakasama roon sina Celia Rodriguez at Lotlot de Leon? Siguro raw sa sobrang saya ng staff ng FDCP ay nakaligtaan sila.                                                                                         

MICHELLE CHINA YU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with