Grabe pala talaga ang hirap ng role ng isang actress sa kanyang bagong teleserye.
Kilometric daw kasi ang ibang mga dialogue kaya talagang minsan may nakakaligtaan sabihin ang aktres kaya paulit-ulit sila ng take.
Eh maselan daw si aktres. Ayaw niyang hindi pekpekto ang mga eksena niya kaya wala rin itong kapaguran sa taping.
Kakaiba raw kasi ang role ni aktres kaya major adjustments din ang ginawa nito sa bagong trabaho na worth it naman dahil sobrang bongga nito ayon sa source.
Marian DOT ambassador na rin?!
Wow DOT ambassador na rin ba si Marian Rivera?
Magkasama sila kahapon ni Sec. Berna Romulo-Puyat.
Isa si Marian sa mga artistang todo ang suporta sa local products particular na nga sa sinusuot niyang damit at jewelries. “Thank you @marianrivera for supporting our local weavers and designers!!,” post ni Ms. Mons Romulo kahapon sa kanyang IG account. Sister si Ms. Mons ni DOT Sec. Berna.
Arra San Agustin masusubukan sa Madrasta
Todo-abang na ang Kapuso viewers sa nalalapit na pagsisimula ng GMA Afternoon Prime series na Madrasta na pagbibidahan ng Newest Gem of Drama na si Arra San Agustin kasama sina Juancho Trivino at Thea Tolentino. Puspusan na nga ang pagpo-promote ng cast sa serye at napanood si Arra sa Studio 7 last Saturday kung saan naki-party siya kasama sina Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Mikee Quintos, at iba pa.
Si Arra na nga ang sinasabing next important star ng GMA.