Ending ng Los Bastardos, nandaya!

Masyado naman akong ginalit ng last episode ng Los Bastardos. Parang nanonood ako ng basketball na pini-freeze ang moment.

Tuwing makakatapos ang isang eksena ay sinusundan ito ng napakaraming komersyal. Maganda ang huling dalawang araw ng serye, maigting kaya nga siguro ako nagagalit, dahil feeling ko nananakawan ako ng moment. I was so relieved na wala na si Jean Saburit who was so OA in her portrayal.

Nanghihinayang naman ako sa naging role ni Kylie Verzosa at Marco Gumabao pero, yung mga bidang babae na sina Maxine Medina, Ritz Azul, Mary Joy Apostol at Mica Javier ay kinagiliwan.

Louise natabunan ni Ella!

Malaki ang mami-miss ng moviegoers kung hindi pa nila napapanood ang pelikulang Edward na entry sa Cinemalaya 2019 kung saan nanalong Best Supporting Actress si Ella Cruz. Balitang magkakaroon na rin daw ito ng run sa mga sinehan.

Samantala, nadismaya naman ang iba nang hindi umano mapansin ang acting na ginawa ng bida sa nasabing pelikula na si Louise Abuel. Magaling din naman daw ito at talagang nag-improve. Ganunpaman, inaasahang mas dadami ang opportunities niya dahil sa magaling na ipinakita.

Jane gustong agawin si Joshua kay Janella!

Patusin kaya ng Kapamilya Network ang sinasabi ni Jane Oineza na willing itong muling ma-revive ang tambalan nila ni Joshua Garcia?

Kasalukuyang itinatambal si Joshua kay Janella Salvador sa seryeng The Killer Bride, so far kinakagat naman sila ng manonood.

Now, here comes Jane, gustuhin naman kaya siya ng manonood para kay Joshua? Para kasing magkaibang landas na ang tinatahak nila bagama’t with both their talent, magagawa nilang mag-adjust sa isa’t isa.

Show comments