Knockout ang target ni Belingon
MANILA, Philippines — Matapos ang disqualification loss sa ‘One: A New Era’, split decision noong Nobyembre at kabiguan via submission noong 2016, wala nang ibang hangad si Kevin “The Silencer” Belingon kundi ang umiskor ng knockout win.
Lalabanan ni Belingon si Bibiano “The Flash” Fernandes sa layuning mu-ling pabanguhin ang kanyang pangalan sa ‘One: Century’ sa Oktubre 13 sa Ryogoku Kokugikan sa Tokyo, Japan.
“It is hard to tell how it will end, but I’m looking for a knockout so that all talks will be settled,” wika ni Belingon. “It’s hard to leave this to the judges because there would be doubts there. I have to get that knockout win.”
Sa kanyang huling pagsagupa sa 39-anyos na Brazilian ay nakapagbato si Belingon ng isang accidental elbow sa likod ng ulo ni Bibiano na nagresulta sa kanyang diskuwalipikasyon.
Hangad ni Belingon na mabawi ang kanyang dating suot na One championship belt.
“More than ever, I am familiar with Bibiano – his style, the way he moves. I already know what to expect and what I’ll do in our fourth match,” wika ni Belingon. “For our game plan, I’m leaving it to coach Mark Sangiao so I can effectively counter his striking and takedowns.”
Huhugot si Belingon ng inspirasyon mula sa panalo ni Joshua “The Passion” Pacio sa title rematch.
- Latest