^

Pang Movies

True love na? Vice at Ion napaiyak matapos magsabihan ng ‘I love you’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
True love na? Vice at Ion napaiyak matapos magsabihan ng ‘I love you’

Trending sa Twitter kahapon ang pagsasabihan ng I love you nina Vice Ganda at Ion Perez sa It’s Showtime at ang pag-iiyakan nila pagkatapos.

Nagsimula lang ang lahat sa kantiyaw ng co-hosts nilang sina Anne Curtis at Vhong Navarro. Nagbibiruan kasi sina Ion at Vice at nagsisigawan sila habang nag-uusap.

Tanong ni Anne, “ganyan ba kayo mag-I love you-han?”

At doon na nga nagsimula ang paghimok nina Anne at Vhong na magsabihan sila kunyari ng “I love you.”

“Kunwari lang naman,” sey pa ni Anne.

Si Ion ang unang nagsabi ng “I love you” at sinagot naman ito ni Vice ng pagkalambing-lam­bing na “love you.” Sigawan ang mga tao.

Kamukat-mukat mo ay napaiyak na si Ion at pati na rin si Vice Ganda ay napaiyak na rin. Gulat na gulat sina Anne at Vhong sa pag-iiyakan ng dalawa.

“Ba’t kayo nag-iiyakan?” tanong ng dalawa.

Tumalikod si Vice Ganda sa camera at makikitang nagpapahid siya ng luha. Matagal-tagal din bago naka-recover ang dalawa.

Sabi naman ni Anne, “awww, naiiyak na rin ako!”

Nang maka-recover ay tinanong ni Anne si Ion kung bakit siya naiyak.

“Wala, kasi, ang saya pag nakikita siyang masaya,” sabi ni Ion na garalgal ang boses.

“Kasi, talagang ang sarap makita na masaya ‘yung taong mahal mo,” dagdag pa niya.

In fairness, ang cute nilang tingnan at maging ang mga netizens ay na-touch sa sinserong pagkakasabi ng “I love you” ni Ion pati na rin ang mga tingin niya kay Vice Ganda.

Ang ibang fans ni Vice Ganda ay nagpasalamat din kay Ion sa pagmamahal nito sa kanilang idolo.

Maymay nabilhan na ng bahay sa Japan ang nanay

Nakakatuwa naman na nabilhan na raw ni Maymay Entrata ng bahay ang kanyang ina sa Japan kung saan ito naka-base.

Ayon kay Maymay, 28 years na raw sa Japan ang mommy niya at nagre-rent pa rin daw ito ng bahay.

“Sobrang mahal po kasi ng renta du’n,” kuwento ni Maymay sa Magandang Buhay.“Ngayon, naiiyak siya kasi may sariling bahay na siya,” sey pa ni Maymay.

Pati ang bunso niya raw na kapatid na kasama rin ng mommy niya sa Japan ay masaya rin daw kaya happy naman si Maymay na napasaya niya ang kanyang pamilya.

Nakakatuwa rin na nagpapatayo rin siya ng bahay para sa kanyang lola sa Camiguin na aniya ay patapos na. Bukod dito ay nakapagbigay din siya ng tricycle sa isang relative.

Hindi na kami nagtataka ngayon kung bakit sinuwerte si Maymay at patuloy na sinusuwerte. Ito ay dahil sa mabait siyang anak at kapatid.

ION PEREZ

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with