MANILA, Philippines — Ngayong Huwebes, bilang pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng Pinas Sarap, sisimulan ni Kara David ang pambihirang paglalakbay sa bansang may malalim na impluwensya sa ating kasaysayan, kultura, at kulinarya—ang España!
Sa unang bahagi ng 5-part 2nd Anniversary Spain Special ng programa, ipalalabas sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippine TV ang pagsali sa selebrasyon ng sikat na La Tomatina Festival.
Samahan si Kara makisaya sa highlight ng fiesta, ang batuhan ng kamatis!
Taun-taong ipinagdiriwang ng Espanya ang piyestang ito sa bayan ng Buñol para magpasalamat sa masaganang ani ng kamatis, na isa sa panguna-hing sangkap sa mga lutuing Espanyol. At ang paggamit ng kamatis sa pagluluto ang isa sa pinakamalaking impluwensiya nila sa lutuing Filipino.
Samahan si Kara na tikman ang isa sa mga putaheng espanyol na pinasa-sarap ng kamatis—ang Albondigas.
Huwag palampasin ang 2nd Anniversary Special ng Pinas Sarap, ang 5-part Spain Food Adventure na mapapanood simula ngayong Huwebes, 7:15 p.m. sa GMA News TV!