Wow, bidang-bida na ang kilala at pinaka-busy among the supporting actresses na si Kim Molina.
Kim topbills the soon-to-be released movie ng Viva Films, Jowable, which, among the millennials, mean “probable” girlfriend / boyfriend. Ang jowa ay millennial term para sa girlfriend o boyfriend.
Ang leading man ni Kim sa Jowable ay ang kanyang real-life boyfriend na si Jerald Napoles. Pareho silang theater performer at may ongoing play sila ngayon, ang Rak of Aegis.
Kasalukuyang napapanood si Kim sa Kadenang Ginto at The General’s Daughter.
Katatapos lang niyang gumanap ng lead role sa Momol, kung saan leading man niya si Kit Thompson at napanood sa IWant.
Of Kim, ‘di siya rito sa Pilipinas ipinanganak, kung hindi sa Saudi Arabia. Isang kilalang dentist doon ang kanyang ama.
Kim has two younger brothers, who both live with their parents in Saudi.
Ikinuwento ni Kim na siya ay 18 years old nang manalo siyang Middle East representative sa World Championships of the Performing Arts (WCOPA).
Pagkatapos ng WCOPA, sinubukan niya ang kapalaran niya dito. Una siyang napanood sa Camp Sawi na sinundan ng Walang Forever, both produced by Viva Films.
Palabas na ang Jowable sa September 25.
Christian gamit na gamit ang outfit ng girlfriend
Ang magagandang gowns palang suot ni Christian Bables sa kanyang role as a gay in the currently showing ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) entry, The Panti Sisters ay courtesy of his girlfriend.
Dahil nga raw a little ‘bigger’ in size siya than his girlfriend, bago magsimula ang siyuting for The Panti Sisters, he made time to lose weight.
Kahit daw ang sapatos na suot niya, na pang-girl, courtesy rin ng kanyang GF.
Hindi pa sila gaanong nagtatagal magkarelasyon ng kanyang girlfriend. Bagama’t they’ve known each other daw since 14 years ago when they were both in high school.
Now, speaking of The Panti Sisters, which co-stars Christian with Paolo Ballesteros at Martin del Rosario, this early, ina-assure na ng mga producer nito, The IdeaFirst Company, Black Sheep and Quantum Films, na magkakaroon ito ng part 2. Obviously, all of them have the feeling na kikita ang pelikula sa takilya.
Posible pa ngang maging number one ito sa box office, kung ang pagbabatayan ay ang reaction ng mga nanood nito sa premiere night na ginanap Tuesday sa SM Megamall.
Nag-open kahapon in close to 200 theaters nationwide ang lahat ng entries ng PPP, na kinabibilangan pa ng G!, Open, Cuddle Weather, I’m Ellenya L, LSS (Last Song Syndrome), Circa, Lola Igna, Pagbalik at Watch Me Kill.
Jake hindi nasisita sa CR na pang babae
Nagpapaturok pala ng hormone si Jake Zyrus, dating kilala as Charice Pempengco.
No wonder, “tinutubuan” na siya ng bigote.
Though now officially a transman, kumbaga, na kasarian-wise, babae pa rin siya. As she revealed in an interview, sa pang-CR na babae pa rin siya nagsi-CR.
So far, obviously, ‘di sinisita si Jake ng guard na in-charge na kanyang “pinapasok” na C.R. Puwedeng nagpalit man siya ng gender, physically, kilala pa rin siya ng halos lahat sa atin na isang babae.
Kaya, hindi issue para kay Jake, ang tungkol sa pagkakaroon ng sariling CR ng members ng “third sex.”
Maricel hinulaan si Arjo
Marami ang tiyak makaka-miss sa ‘’mag-inang” sina Maricel Soriano at Arjo Atayde dahil mamamatay na ang kanilang mga karakter sa The General’s Daughter.
Sa nabanggit na series, topbilled by Angel Locsin, Albert Martinez, JC de Vera at Paulo Avelino, plus, of course, Tirso Cruz III, agaw-pansin ang role ni Arjo bilang “special son” ni Maricel.
Well, malaki ang pag-asa, ayon mismo kay Maricel, na one day soon, kikilalaning isa sa pinakamalaki at pinakamahusay na aktor ng kanyang generation si Arjo.
Coming from Maricel, this napakagandang comment should make Arjo and, of course, her Mom, Sylvia Sanchez, extra proud.
Well, keep up the good work, Arjo.