Jeremy Marquez parang hindi na-broken hearted, mga bagets politician walang pores!

Tatlong mga bata at good looking politicians ang mga guest natin noong Martes sa Take it Per Minute…May Ganun, Salve.

At a young age, isang magandang mayor, batang konsehal, at isang ex-actor and representative ng youth ang ating mga bisita.

Binigla kami ni Jeremy Marquez dahil kahit nga si Cristy, hindi siya agad nakilala. Mas pogi ngayon si Jeremy at hindi naman mukhang heartbroken kay Gwen Zamora…joke joke.

Tinutukso nga namin si Jeremy kay Councilor Steph Teves pero wala lang, mag-tropa lang daw sila.

Hangang-hanga na ako talaga sa Beautéderm dahil kapag nakita ninyo ang makikinis na mukha nina Mayora Donya Tesoro at Councilor Steph, talagang maiinggit kayo, parang mga Koreana na walang pores at talagang banat na banat ang kanilang mga balat.

Thumbs up talaga ako sa’yo Rhea Tan dahil tunay na na-discover ng Beautéderm ang fountain of youth and beauty. 

Ang gaganda ng mga young rich and talented winner Asian na ambassadors ng Beautéderm ha?

LGBTQ ‘di nakokonsensiya sa mga magsasaka?!

Masyado kang heartless kung hindi tayo maaantig sa panawagan ng farmers. Sila ang nagtatanim ng ating mga kinakain pero ang farmers ang kulang ang pagkain.

Nakapagtataka na bakit parang sila ang madalas na tinatamaan ng mga masamang pangyayari. Kapag mainit ang panahon, affected ang mga pananim nila at ganito rin ang scenario sa tuwing umuulan. Nasisira ang kanilang mga pananim kaya bumababa ang mga presyo.

Tila sa society natin, sila ang nasa laylayan at walang mapuntahan.

Marami ang nagsasabi na pumupunta ang lahat sa city dahil halos hindi na sila nabubuhay sa bukid at sa pagsasaka.

Taun-taon, may idinudulog sila na mga problema sa gobyerno pero parang wala rin maibigay na solusyon.

Never ending problem na hindi makita ang solusyon pero araw-araw naman tayo na kumakain.

Kung ako ang transgender woman na may problema sa CR, makakaramdam ako ng guilty dahil nagugulo siya sa puwedeng solusyon sa isang bagay na madali lang naman, basta huwag siyang maarte.

Mas matatakot ako na hindi mabigyan ng solusyon ang problema ng farmers at fishermen dahil sila ang nagdadala ng pagkain sa ating mesa na itatapon lang naman natin sa CR na hindi na kailangan mamili pa, basta pumasok ka lang sa lugar na para talaga sa penis at vagina. No problemo, di ba?

Marian sakto sa bagong endorsement

Cute at bagay kay Marian Rivera ang hashtag na Tough Mama dahil nakita ng lahat how she’s really working hard na i-juggle ang kanyang work at pagiging mom sa mga anak nila ni Dingdong Dantes.

Nakita ko talaga na nanay na nanay si Marian noong nasa Paris sila ni Dingdong para sa kasal nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

Walang kasama na yaya ang dalawa at kalikutan noon ni Zia. Matiyaga at mahaba ang pasensya ni Marian at nakita ko sa Paris ang sweetness ni Dingdong as husband and father.

Isang pamilya na suwerte ang mga anak nila dahil kahit busy at celebrity ang parents, may panahon at oras sila para kina Zia at Ziggy. Tough Mama, sweet Papa, pamilya Dantes ‘yan.

Show comments