Deborah Sun nakatandaan na ang droga!
Naloka ako sa balita na nadakip si Deborah Sun noong Linggo sa isang buy-bust operation sa Quezon City.
Actually, nalungkot ako dahil mabait naman sa akin si Deborah na dinalaw pa ako sa hotel na tinuluyan ko nang magpunta ako sa New York noong August 1999.
At the same time, naloka ako dahil sa edad na 60, nasangkot pa siya sa drug case.
Palagi kong sinasabi na kung bata pa siguro ang involved sa paggamit ng illegal drugs, baka maintindihan ko pa dahil curious sila pero kung senior citizen ka na, ibang usapan na ‘yan.
Nakakulong ngayon si Deborah at ang kanyang mga co-accused sa isang presinto sa Project 4, Quezon City.
Jessica Soho at Kara David daig pa ang mga opisyal ng gobyerno!
Kapag nanonood ako ng mga television show nina Jessica Soho at Kara David, parang hindi ako makapaniwala na may mga ganoong lugar at pangyayari sa bansa natin, ang mga feature story nila tungkol sa mga bata na naglalakad nang malayo para makapasok sila sa school.
Umaakyat sa bundok at tumatawid pa sa mga ilog ang mga bata na walang mga gamit kaya naka-paa sila habang naglalakad. Paano nangyari ito?
Bakit napupuntahan sila nina Jessica, Kara at ng production staff pero hindi sila mapuntahan at matulungan ng gobyerno natin?
Paano nangyari na sa rami ng mga donasyon na ibinibigay kapag may fundraising, hindi natutulungan ang ating mga mahihirap na kababayan?
Hanga ako sa mga bata na nagagawa pa na mag-aral sa gitna ng napakahirap na kundisyon pero mas hanga ako sa mga teacher nila na patuloy na nagtuturo sa kabila ng mahirap na kundisyon at mababa na suweldo.
Ang mga teacher na tinutukoy ko ang dapat na manalo sa raffle draw sa grand gathering ng Gabay Guro sa September 22 dahil sila ang mas deserving. I salute the teachers, and all my love goes to the students.
Sana nga sa paghihirap n’yo makamit n’yo ang pangarap na gusto ninyo. God bless you all.
Founding editor ng isang sikat na magazine, pumanaw sa breast cancer
Na-sad ako sa balita na sumakabilang-buhay kahapon ang Mega Magazine founding editor na si Sari Yap.
Nakasama ko si Sari sa Germany dahil sabay kami na sumailalim noon sa stem cell therapy.
Sa sandaling panahon ng aming pagsasama, nagustuhan ko ang ugali ni Sari na tinutukso ko pa noon tungkol sa relasyon nila ng isang aktor.
Nasa presscon ako kahapon ng The Gift nang makarating sa akin ang balita na pumanaw na si Sari dahil sa kanser.
Matagal na pala na may kanser si Sari at tatlong buwan ang ibinigay na taning ng mga doktor sa kanyang buhay pero na-extend ito ng apat na taon dahil nilabanan niya ang karamdaman.
- Latest