Buti pa siya Ate Vi mas tutok sa problema ng mga farmer kesa sa problema sa CR ng mga beki!
Habang nag-aaway na nga ang mga taga-showbiz dahil sa pagsuporta o paglaban sa SOGIE Bill, mukhang tahimik lang si Deputy House Speaker Vilma Santos sa mga bagay na iyon.
“Sa buong buhay ko sa showbiz, simula bata pa lang ako, nakakasama ko na ang mga parte ng LGBTQ na iyan, at alam ninyo iyon. May mga director akong kabilang diyan sa grupong iyan. ‘yung designers na gumagawa ng mga damit ko, ‘yung aking long time make up artists, ‘yung naging manager ko noong araw, at maski sa fans ko napakarami niyan.
“Kaya lang, sa natatandaan ko naman, through the years, yang pinag-uusapan nilang problema ngayon ng gays at lesbians, hindi naman naging problema noong araw eh. Wala kaming alam na nag-aaway dahil lang sa CR. Siguro nga iba na ang mga tao ngayon. Mas matatapang na, pero ang paniwala ko mas marami tayong malalaking problema kesa riyan.
“Natawag ang pansin ko nung mga nakausap ko na nagsabing ayaw na raw nilang magsaka. Kasi magsasaka sila, tapos iyong kanilang palay ang bentahan ay mas mura kesa sa gastos nila. Papaano nga ba sila mabubuhay, at the same time, may nilagdaan naman tayong kasunduan sa WTO kaya nagkaroon niyang rice tariffication law.
“Mas dapat nating unahin yun dahil maraming magugutom kung magpapatuloy yan.
“Problema pa rin natin ang edukasyon. Kulang at kulang pa rin sa ating pangangailangan ang natatapos. Ganun din iyong mass transportation. Kaya nga ganyan ang traffic sa dami ng sasakyan kasi kulang ang mass transport system. “Marami pang illegal, kaya nga minsan nasabi ko maski na iyong habal-habal payagan na rin at bigyan lang ng regulasyon.
“Hindi sa wala akong concern diyan sa LGBTQ sector. Mga kaibigan natin iyan pero naniniwala ako na may mas malalaking problema ang bansa, at mga batas na makapagbabago sa sitwasyon na kailangang unahin bago iyan. Doon muna tayo sa higit na kailangan ng nakararami,” sabi ni Ate Vi.
JM may laban sa top actors
Ang isa sa pinag-uusapan nila sa seryeng Pamilya Ko ay ang napakahusay na acting na ipinakikita daw ni JM de Guzman sa serye. Hindi na bago sa aming pandinig iyan dahil talaga namang tanggap maging ng mga kritiko na mahusay si JM. Napatunayan naman niya iyan sa lahat ng mga proyektong ginawa niya.
Medyo na-delay nga lang siguro ang development ng kanyang career dahil sa ilang mga problemang ngayon naman ay wala na.
Pero ang kulang diyan kay JM sa tingin namin, ay isang mainstream film assignment. Puwede naman siyang ilaban sa mga malalaking male artists sa ngayon, lalo na nga at kulang naman tayo talaga sa mga leading men.
Respetadong talent manager bigtime bugaw din
Nagulat sila dahil nang maiwan ng isang “respetadong” talent manager ang kanyang cellphone, nakita nilang napakaraming videos ng mga poging lalaki in “compromising poses”. Noon nila nakumpirma ang sideline ng talent manager. “Booker” din pala siya ng mga alaga niya sa isang gay millionaire from Mindanao. Kasama roon ang models at ilang starlets mula sa isang network.
Iyon pala ang dahilan kung bakit madatung ang talent manager kahit na wala namang masyadong work ang mga alaga niyang artista at singers. Mas malakas pala ang kita niya sa mga sideline nila. Talagang magaling siya sa under the table deals.
- Latest