^

Pang Movies

Kadenang Ginto inaabangan kung magiging Probinsyano ang kapalaran

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kadenang Ginto inaabangan kung magiging Probinsyano ang kapalaran
Kyle Echarri

Ayon sa teen actor na si Kyle Echarri, marami pang conflicts na mangyayari sa afternoon series nila na Kadenang Ginto kaya aabutin pa raw sila hanggang next year.

Malakas ang dating ni Kyle, pati ng iba pang teen stars na kasama sa Kadenang Ginto like Francine Diaz, Seth Fedelin at Andrea Brillantes, kaya mala­king tulong sila para ma-maintain ang mataas na ratings ng nasabing afternoon series.

Ang tinaguriang Gold Squad pati sina Beauty Gonzales at Dimples Romana ang dahilan kung bakit napakaganda ng ratings ng Kadenang Ginto hanggang ngayon.

Noong mainterbyu ko si Kyle ay biniro ko ang teen actor na baka mas tumagal pa ang kanilang series na katulad ng FPJ’s Ang Pro­binsyano.

Bea nag-taping sa bayan ni Gerald

Kahapon ay ka-text ko si Richard Gutierrez na nasa GenSan ngayon.

Ang GenSan ang location ng taping ng new ABS-CBN teleserye nina Richard at Bea Alonzo.

“Ok naman so far ang taping namin,” ang matipid na sagot ni Richard.

Una kong nalaman na ang GenSan ang location ng new teleserye nina Richard at Bea dahil si Gerald Anderson ang nagkuwento tungkol doon.

Sabi noon ni Gerald, excited siya na magti-taping doon ang teleserye nina Richard at Bea dahil tagaroon siya.

Kahit naghiwalay na sina Bea at Gerald, natuloy pa rin sa GenSan ang taping.

Hanggang today raw ang grupo ng mga taga-ABS-CBN sa GenSan at uuwi na ng Maynila, pero may taping pa rin sila today at pagkatapos ng kanilang mga eksena ay deretso na sila sa airport.

Malamang na babalik pa rin sila roon para sa ibang mga eksena.

Film Academy of the Philippines mamimigay na ng parangal!

Nagrerebyu na ng mga pelikula ang mga taga-Luna Awards (Film Academy of the Philippines).

Sila na ang susunod na mamimigay ng awards.

KYLE ECHARRI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with