Sunod na ang pelikulang pumalit sa (K)Ampon na sana’y official entry nina Kris Aquino and Derek Ramsay sa MMFF 2019.
Ayon sa official statement ng MMFF spokesperson na si Noel Ferrer, ang Sunod ay produced ng TEN17P to be directed by Carlo Ledesma starring Carmina Villaroel, Mylene Dizon, Susan Africa and Kate Alejandrino.
(K)Ampon was disqualified by MMFF Executive Committee as an official entry dahil sa pagpapalit ng lead actor pagkatapos ng July 30 deadline.
Ayon sa Section 12 of Rule III of the 2019 MMFF Rules and Regulations, na in case na magkaroon ng disqualification, ang vacant slot ay automatically filled by the next-in-rank of the same genre. At base sa ranking ng Selection Committee ng MMFF, ang Sunod ang kasunod na horror film ng (K)Ampon.
Hinihintay na lang ang mga official entries sa full length category ng finished films na sa September 20 ang deadline.
Alden at Kathryn confirmed na Box Office King & Queen
Confirmed na ang Hello, Love, Goodbye na ang highest grossing Filipino film of all time.
Bongga talaga sila Alden Richards and Kathryn Bernardo.
Na-pirate pa ang pelikula ha, pero ayon kay Direk Cathy Garcia-Molina, kumita na ito ng P880,603,490 ayon sa report ng ABS-CBN.com sa kanilang screening here and abroad.
Kagabi rin ginanap ang kanilang Thanksgiving party para sa nagawang history ng pelikula.
Suwerte ni Alden, Box Office King na, Asia’s Multimedia Star pa ng Kapuso network.
Bago nga ang nasabing Thanksgiving Party ng HLG ay nagkaroon ng renewal ng contract si Alden sa GMA 7.