^

Pang Movies

Vice, Anne, Coco at Vic tinambakan ng guest stars sa MMFF movie

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Vice, Anne, Coco at Vic tinambakan ng guest stars sa MMFF movie

Marami palang mga pelikula na gustong makatapos para makahabol sa finished product category ng Metro Manila Film Festival 2019.

May isang period movie ang magsisimula at umaasang makakapasok sila sa MMFF 2019.

Star-studded ang pelikulang ‘yon kung sakaling makukuha nila ang mga big star na kinakausap nila.

‘Yung pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis sa MMFF 2019, marami palang guest stars.

‘Yung kay Bossing Vic Sotto rin, marami rin daw ibang stars na idinagdag.

Ang bongga, mas magiging mabituin ang MMFF 2019 lalo na kung makakapasok ‘yung movie ni Coco Martin with Jennylyn Mercado!

‘Yun na!

Pops at BB hindi nakakalimutang mag-bonding

Good friends sina Pops Fernandez at BB Gandanghari, kaya naman kapag nasa Los Angeles, California ang original Concert Queen, basta puwede rin, nagkikita sila ng sister ni Robin Padilla.

Isa si Pops sa natuwa nang mabalitaang kasama si BB sa isang episode ng Glow series na napapanood sa Netflix.

Nang magkita nga ang dalawa kamakailan sa The Americana sa Glendale, California, isa ang tungkol sa pagkakasali ni BB sa Glow ang napagkuwentuhan nila.

Wish ni Pops na maging successful sa Hollywood si BB. Noong araw, nang gawin ni BB ang ZsaZsa Zhaturna movie ng Regal Entertainment, pumayag si Pops na gumanap na kontrabida from another planet dahil sa pagmamahal niya kina BB at Zsa Zsa Padilla.

Samantala, hanggang sa September 8 na lang ang Two-gether Again US concert tour ni Pops at Martin Nievera at sa Morongo Casino ang last show nila at may party sila after, pero magpapahinga lang sila dahil sa December, may second leg ang concert tour na ‘yon at baka may Canada shows na rin na kasama.

Nice!

Jackie lumitaw sa birthday ni Lorin

Nang papunta na ako kagabi sa Sweet 16 birthday party ni Lorin Gutierrez, may isang kaibigan ako na nakatsikahan at nagsabing, “Magkikita kayo ni Jackie Forster doon!”

‘Yun pala, nag-post si Jackie na excited siyang um-attend ng party ni Lorin.

Kaibigang matalik ni Ruffa Gutierrez si Jackie.

Sabi ni Jackie, she can’t believe na 16 years old na ang panganay ni Ruffa.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with