Ka-share ni Yasmien Kurdi bilang lead stars ng Beautiful Justice sina Gabbi Garcia at Bea Binene kaya natanong ang una kung wala ba silang sapawan at kung magkaka-level ba ang role nila since of course, alam naman ng lahat na siya ang mas senior sa dalawa.
Ayon kay Yasmien ay never daw silang magkakaroon ng sapawan dahil iba-iba ang kanilang karakter sa show at sa halip ay magtutulungan pa nga raw sila para maging tagumpay ang show.
Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role knowing na tatlo silang lead na pantay-pantay ang role?
“Hindi po ako nagdalawang-isip kasi parang kasama ko ‘yung mga kapatid ko – Bea Binene at Gabbi Garcia. Nun’g nalaman ko nga ‘yung role, kinuha ko na agad, eh. I’m very much excited and very willing to do the role and sabi ko, para kakaiba naman, di ba?
“Lagi na lang akong nando’n sa comfort zone ko. For five years, I’ve been in my comfort zone. Hindi na ako lumabas du’n sa box ng comfort zone ko, lagi ako sa viewers na pang-hapon.
“Though happy naman ako kasi, ‘yung viewers and ratings ng hapon, okay naman, pero siyempre, you have to get out of your box,” aniya.
Ang huli pa raw niyang primetime drama ay Rhodora X kaya naman hindi na raw niya pinalampas ang opportunity na ito na makabalik muli sa primetime.
“Siyempre, excited akong magbalik-primetime,” sambit niya.
Mala-Charlie’s Angels at Widows ang peg ng Beautiful Justice kung saan ay namatay ang kanilang mahal sa buhay na mga PDEA (Phillippine Drug Enforcement Agency) agents at magtutulong-tulong silang tatlo na lutasin ang misteryo sa pagkamatay ng mga ito.
Ayon kay Yasmien ay nag-training pa raw sila bilang paghahanda sa mga action scenes nila.
Maris hindi kinaya ang pagiging busy ni Inigo
“Busy siya masyado,” ang sagot ni Maris Racal sa tanong kung ano ang mga bagay na ayaw niya kay Inigo Pascual. “Wala siyang time for everything. So, kaya talagang (dapat) mag-solo career muna,” natatawang sabi pa ng dalaga.
Bale ba ay katabi niya si Inigo habang sinasabi ito sa presscon ng movie nilang I’m Millenya L. at hindi makapagsalita ang aktor na napapangiti na lang.
“Tawanan na lang natin, Inigo, tumawa ka rin. So, ‘yun lang naman, busy siya, ganu’n.” sey na lang ni Maris kay Inigo.
Pero sa mga qualities naman na gusto niya sa young actor, ang ganda naman ng sinabi ni Maris.
“’Yung gusto ko naman kay Inigo, very supportive talaga. Ewan ko, basta, pag andiyan ‘yung presence niya lalo na pag mga moments like these, presscons or performing or kahit saan ‘yan, I fell at ease. Kasi, parang very encouraging siya lagi kapag kinakabahan ako talaga.
“And ano rin po, very respectful siya. And also knowing Inigo, siyempre, nandiyan ‘yung attention din like hindi naman maiiwasan ‘yun, but you know, nama-manage niya talaga na mag-work hard on his own without the help of you know, anyone. Like dahil sa music niya, sa boses niya, sa performance niya, nagkakaroon siya ng identity,” pahayag ni Maris.
For Inigo naman, isa lang ang sinabi niyang ayaw niya kay Maris.
“Madami siyang joke, tapos pag shinare mo ‘yung joke niya, magagalit siya sa ‘yo,” natatawang sabi ni Inigo.
Ang mga qualities naman ni Maris na gusto niya ay ang drive raw nito sa lahat ng gustong gawin.
“Sobrang independent and knowing that she doesn’t have any parents with her here sa Manila, ‘yun ‘yung sobrang na-amaze ako dahil lahat ng bagay sa bahay, mismo sa career niya, siya mismo ‘yung gumagawa.
“And ‘yung drive niya saka motivation niya sa career,” he said.