Hindi na nga siguro Salve ganap na matatahimik si Gerald Anderson. Pagkatapos na magsalita ng kanyang Mommy Vangie, heto naman si Dennis Padilla, balik issue sa pag-uusap nila noon ni Gerald at ang hindi nito pagsagot sa kanyang mga text message.
Puwedeng sabihin ni Gerald na hindi niya pinilit na makipag-relasyon sa kanya sina Bea Alonzo at Julia Barretto.
Inalok niya ang sarili at tinanggap. Kung naiba man ang paraan ng kanyang panliligaw, ‘yon ang naging kasalanan niya.
At kaloka na siya talaga ang villain of the year, pinakamasama na lalaki sa balat ng lupa, etc etc.
Buti na lang at matibay din si Gerald, sige lang tanggap niya lahat ng mga ibinabato sa kanya, left, right, middle at back. Siya talaga ang target at siya talaga ang gustong itumba.
Well, ganyan talaga ang buhay kasi nga, sabi nila, life is always stranger than fiction. At habang ang teleserye ay walang ending, marami pa ang twist at subplot na darating. Tiisin mo ‘yan Gerald, hahaha. Ikaw ang man of the hour, kontrabida par excellence, bongga.
Bong looking forward sa mala-Taken movie nila ni Maine
Nagkausap kami ni Senator Bong Revilla. Dahil ang trabaho sa Senado ang kanyang focus ngayon, inamin ni Bong na na-miss niya talaga ang paggawa ng pelikula at paglabas sa TV.
Sabik na sabik na rin si Bong na sumali sa Metro Manila Film Festival na nakasanayan na niya na gawin dahil ang saya- saya raw kapag Christmas time.
Sa tuwing may filmfest entry si Bong, busy siya sa pagpo-promote. Pinupuntahan niya ang mga mall show at natutuwa siya sa maraming tao na kanyang nakikita sa Parade of Stars at awards night ng MMFF.
Talagang seryoso si Bong na gawin ang movie project na gusto niya na pagbibidahan nila ni Maine Mendoza. ‘Yung project na mala-Taken ang istorya na palagay niya ay bagay sa kanila.
Natutuwa si Bong nang unang lumabas ang balita na gusto niya na magsama sila ni Maine sa pelikula dahil very receptive ang fans ng TV host-actress.
Maganda ang comic timing ni Maine at magaling din ang comic timing ni Bong kaya sure ako na magiging maganda ang kumbinasyon nila.
Kinausap ko na noon si Papa Rams David tungkol sa Bong-Maine project at okey naman sa kanya.Sasabihin daw niya kay Papa Tony Tuviera ang suggestion ko.
Bongga, baka sa next MMFF, tuloy na tuloy na ang pagtatambal nina Bong at Maine sa pelikula.Baka nga sa sobrang excitement ni Bong, ang paggawa ng pelikula ang kanyang harapin sa susunod na taon.
Pero knowing Bong, titiyakin muna nito na walang conflict sa kanyang mga responsibilidad bilang senador ang pinaplano na movie comeback niya.
Hay big project ito, sure ako na maligaya na naman si Gorgy Rula sa pagbabantay sa set. Bong at Maine, mala- Taken ang istorya, bongga talaga at huwag sanang magkaroon ng hadlang dahil cute ang project.