Meron nga kayang hindi pagkaka-unawaan ang mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla? Makahulugan kasi ang mga binitawang salita ni Karla sa programa nilang Magandang Buhay nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.
Ayaw na raw kasi niyang makialam pa sa mga desisyong ginagawa ni Daniel samantalang ina naman siya nito at siya pa rin ang tumatayong manager ng anak.
This has never posed a problem between them in the past, ngayon pa ba nila ito magiging problema, gayung may mataas nang estadong ginagalawan si Daniel bilang artista? O ‘di naman kaya ay naaapektuhan na silang mag-ina sa resulta ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na balitang nakalampas na sa kinita ng The Hows Of Us na pelikula ng KathNiel?
Samantala, excited na ang fans ni Daniel sa muli niyang pagbabalik sa small at big screen. Kung nagawa ni Kathryn na sumikat kahit hindi siya ang katambal nito, magagawa rin ito ni Daniel sa iba niyang makakapareha.
Sue mas piniling magpaka-daring kesa sa dyowa!
Kaya ba pumayag ni Sue Ramirez na sumalang sa mga maiinit na eksenang ginawa nila ni RK Bagatsing sa pelikula nilang Cuddle Weather ay dahil wala na sila ng boyfriend niyang si Joao Constancia ng BoyBandPh?
Siguradong tututulan nito ang ginawa niyang pagpapaka-daring sa film kaya siguro siya kumalas.
Siguradong masusundan pa ang pagpapaka-bold ni Sue at sinabi niyang handa siyang panindigan ang kanyang ginawa at uulitin pa kapag kinakailangan, kaya goodbye muna siya sa love at hello sa isang panibagong yugto ng kanyang karera.
Isa Pang... may time pang pagandahin
Malapit nang matapos ang shooting ng Isa Pang Bahaghari nina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa. Marami pang time para mas mapaganda pa ni Direk Joel Lamangan ang nasabing movie.
Sa cast pa lamang ay wala na siyang mahihiling pa, magandang replacement kina Christopher de Leon at Tirso Cruz lll sina Philip at Michael. Idagdag mo pa sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Sanya Lopez, Albie Casiño at Maris Racal.
Nakasisiguro na ang mga manonood ng isang mabuting pelikula mula sa panulat ng magaling at premyadong si Eric Ramos.
Salamat ahwel...
Time to say thank you to colleague Ahwel Paz for his annual medical mission for the entertainment press. Sa rami nang pinagkakaabalahan ng mga kapatid namin sa hanapbuhay, madalas ay napapabayaan na nila ang kanilang kalusugan. Buti na lang at andyan si Ahwel, marami man ang nakikitang may karamdaman marami din naman ang nalulunasan. Salamat, Ahwel, may lugar ka na sa langit.