^

Pang Movies

Mga artista agad-agad nagkakaroon ng rank sa military, unfair sa mga professional na sundalo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga artista agad-agad nagkakaroon ng rank sa military, unfair sa mga professional na sundalo!

Mukhang nauuso na sa mga artista ang sinasabing pagsali sa Reserve Command ng Armed Forces, at iba’t ibang sangay ng Sandatahang Lakas ang pinasok nila. Mukhang napakadali rin namang makakuha ngayon ng rank sa military. Aba eh may nag-training lamang ng tatlong araw para sa isang gagawing serye eh may military rank na agad.

Pero hindi na bago iyan. Meron talagang nabibigyan ng honorable military title dahil sa kanilang mga nagawa para sa sandatahang lakas. Kung natatandaan ninyo, noon pang 2012 nang siya ay gobernador ng Batangas, si Vilma Santos ay binigyan na ng honorary rank bilang lieutenant colonel sa Air Force dahil sa kanyang nagawa para sa mga iyon.

Kahit na si Mayor Richard Gomez, noon pa nabigyan ng honorary title bilang Chief Petty Officer ng Philippine Navy, at lehitimo ang mga rank na iyan.

Ang problema lang, papaano naman iyong mga professional soldiers, lalo na iyong mga naghirap talaga at aktibo sa serbisyo na hindi tumataas ang ranking? Kasi oras na itaas ang kanilang rank, natural tataas din ang salary grade at sinasabing ang isa ngang dahilan kung bakit hindi mabilis na maipatupad iyon ay dahil kailangan ding pagkasyahin ang pondo.

Kaya may naririnig na nga kaming umaangal, bakit tila ang bibilis namang bigyan ng title ng mga artista? Isipin ninyo, ilang taong nag-aral sa PMA ang isang sundalo para makapasok na 2nd lieutenant sa militar, tapos may artista na dadalaw lang yata roon ng ilang araw may rank na?

Nakatutulong nga siguro ang mga artista para makahikayat ng mga sumailalim sa military training din, pero kung ang isang personalidad na binigyan nila ng honorary title ay nahahalo naman sa hindi magagandang issues, aba eh nagiging dahilan din iyan ng kasiraan nila.

Mahihilig sa teleserye… Mga babae sa Congress, pursigido sa franchise ng ABS-CBN

Palagay namin, lulusot din ang isang bagong franchise para sa ABS-CBN, kahit na sinasabi noon ni Presidente Rodrigo Duterte na haharangin niya ito. Ngayon sabay na naghain ng bill para sa renewal of franchise ng ABS-CBN si Congreswoman Baby Arenas ng Pangasinan, at Congresswoman Joy Tambunting ng Parañaque. 

Mabilis ding isinalang na muli ang kanyang rejected bill noon ni Congresswoman Michaela Violago ng Nueva Ecija. Mukhang pursigido ang mga congresswoman na ituloy ang franchise ng ABS-CBN. Iyang mga babae raw kasi ang talagang mahihilig sa teleserye.

Sa rami ng bills na iyan, palagay namin lulusot na ang isa riyan.

Baguhang aktor nahihirapang ‘itago’ ang pagiging Malate queen noon!

“Maarte,” ganyan ang sinasabi nila tungkol sa isang baguhang actor-aktoran dahil ayaw daw magbibihis nang may kasabay sa dressing room. Ang hindi nila naiintindihan, itinatago kasi niya ang paglalagay ng concealer para hindi makita ang kanyang operasyon sa dibdib. Sa hindi malamang dahilan, lumaki kasi ang dibdib niya na parang isang babae at kailangang operahan iyon.

Naoperahan na naman at ok na, kaya lang mapapansin nga raw ang traces ng tahi kaya kailangan pa niyang gumamit ng concealer lalo na kung may mga shots na kailangang wala siyang shirt.

May mga nanghuhula naman kung bakit siya nagkaroon ng ganoong problema noong araw. Kasi raw naging “Malate queen” din naman siya noong bata pa siya.

RICHARD GOMEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with