Janno wala na raw depression!
Alam mo Ateng Salve, nakakatuwa naman ‘yung mga nababalitaan ko lately about Janno Gibbs.
Noong araw kasi, puro tungkol sa pagiging unprofessional niya ang nababalita, na palagi siyang late.
Noon nga sa musical variety show nila sa GMA-7, kadalasan, ‘yung part ni Janno sa production number, mga kasama niya sa show ang kumakanta dahil either late o hindi siya dumating.
Ewan ko kung biruan lang ang madalas na sabihin noon ng mga staff na hindi raw kasi nagising ang comedian/singer.
Pero ngayon nga raw, hindi na issue kay Janno ‘yung tardiness.
Sabi sa akin ni Mhit Pimentel, ang handler niya sa Viva Artists Agency, hindi naman siya namuroblema kay Janno.“Okay na si Janno, hindi ako namumroblema sa kanya pagdating sa schedule. Hindi siya pasaway at mabait siya, kaya wala akong stress sa kanya,” puri ni Mhit sa mister ni Bing Loyzaga.
‘Yung depression ni Janno, kumusta naman.
“Alam mo, ok na rin ‘yon. Hindi na siya depressed. Wala na siyang depression. Palagi nga siyang masaya ngayon.”
Sabi pa ni Mhit, “After ng pelikulang Sanggano Sanggago’t Sanggwapo may gagawin siya ulit. Kasama si Janno sa Metro Manila Film Festival entry ni Aga Muhlach, ‘yung Miracle In Cell #7 at may gagawin siyang series sa Viva Sari-Sari, ‘yung Last Woman Standing at may isang movie with Direk Dan Villegas, ‘yung Mang Jose, kaya busy siya ngayon.”
At least, puro magaganda na ang balita kay Janno ngayon, huh!
Sana tuluy-tuloy na nga ang pagganda uli ng career ni Janno!
Kim at Xian tinatapos muna ang ghost month
Si Mhit din ang tinanong ko kung kailan ba magre-resume ang alaga niyang si Xian Lim ng balik tambalan nito sa girlfriend na si Kim Chiu.
“Ang alam ko, sa August 27 ang resume ng taping nila ng Love Thy Woman,” sey ni Mhit.
Sabi naman ng isa pang nakausap ko na may alam sa taping ng teleseryeng ‘yon, ang dinig niya ay tatapusin muna ang Ghost Month sa pag-check ko, hanggang August 29 pa ‘yon, kaya posibleng August 31 ang resume ng taping nila.
Bioflick ni Mother Lily sure na ang pagiging box-office
Alam mo, Ateng Salve, habang nasa Vienna, Austria ako, may ilang Pinoy fans doon ang nakatsikahan ko at excited sila sa balitang gagawing pelikula na ang life story ni Mother Lily Monteverde.
“For sure, box-office hit ‘yan! Very colorful ang buhay ni Mother Lily,” komento ng isa sa kanila.
Well, feeling ko, every movie fan will watch it dahil sino nga ba ang hindi magkakainteres sa life story ng Regal Entertainment producer, ‘noh?!
‘Yun na!
- Latest