Ex ni Bianca na kay Rhian na!
Mukhang magiging mag-bilas na sina Iza Calzado at Bianca King dahil kumpirmado na ang relasyon ni Bianca sa brother-in-law ni Iza na si Ralph Wintle. Si Ralph ay kapatid ng mister ni Iza na si Ben Wintle.
Sa Instagram posts ni Bianca, magkasama sila ni Ralph sa isang bakasyon nila sa isang beach resort sa Australia.
Very sweet ang dalawa na magkayakap with matching beach scenery sa kanilang likod. Nilagyan ito ni Bianca ng caption na: “Trying to get as close to 6’2 as I possibly can.”
Maraming celebrity friends ni Bianca ang natuwa at kinilig sa IG post nito. Kabilang na si Iza na nag-comment ng: “Kinilig ako dito ha.”
Nagkakilala pala sina Bianca at Ralph sa wedding nila Iza at Ben noong December 19, 2018 sa Palawan.
Ang huling boyfriend ni Bianca ay si Julio Villafuerte na ngayon ay rumored boyfriend na ni Rhian Ramos.
Pelikula ni Lea at ng bagong Miss Saigon, humakot ng maraming award!
Pinuri ng Fil-American film director na si Dianne Paragas ang dalawang bida niya sa pelikulang Yellow Rose na mainit na tinanggap sa New York para sa 42nd Asian American International Film Festival.
Mga bida ng Yellow Rose ay ang dalawang “Kim” ng Miss Saigon: Ang original Kim na si Lea Salonga at ang kasalukuyang Kim na si Eva Noblezada.
Pinuri nga ni Dianne ang pakikipagtrabaho niya sa dalawang theater actresses na bumagay bilang mag-tita sa pelikula na ang kuwento ay tungkol sa isang 17-year old Filipina na may pangarap na maging isang sikat na country singer, pero naging hadlang sa kanyang mga pangarap ay ang problema niya bilang isang undocumented immigrant.
Kinuwento ni Paragas kung paano niya napapayag si Lea na tanggapin ang role bilang Gail.
“A little backstory, I directed Lea before a long time ago in Manila, the capital of the Philippines. It was my first directing gig. She was hosting for the Discovery Channel. I was directing her hosting parts. When I met her for The Yellow Rose, she said, ‘Oh my God, I totally remember you!’ I couldn’t believe she remembered because it was so long ago,” kuwento ni Paragas.
Ang bida naman ng Yellow Rose na si Eva Noblezada ay napanood niya sa Miss Saigon at bumagay ito sa role bilang Rose.
Humakot na ng maraming awards ang Yellow Rose. Nanalo ito bilang Best Competitive Narrative sa Bentonville Film Festival 2019; Best Narrative sa CAAMFest 2019; Best Narrative Feature and Best Breakthrough Performance (Eva Noblezada) sa VC FilmFest: Los Angeles Asian Pacific Film Festival 2019.
- Latest