Arnell na-master na ang mga problema ng OFW
Nasa IBC 13 na si Arnell Ignacio.
Yup, sisimulan ng versatile TV host, singer and comedian and isang new magazine show entitled Arnelli In The Haus.
Magiging bridge ang programa para sa mga service and information sa iba’t ibang areas of government papunta sa viewers.
Kasama sa mga segment nito ang Imbyergegador (Arnell serves as mediator for the public and government agencies para maayos ang kung anumang ‘di pagkakaintindihan). Meron din silang Step Brother - magiging guide on common agency process; Pa-Promo - a feature on a new government services; Happy 2-Serb - success stories of a government program; Like Mo Siya - a feature on a government employee and Dear Mam ser - Arnell’s opinion and editorial on the issue.
Actually, no sweat ito for Arnell bilang consultant siya ng OWWA at dating Deputy Administrator. Alam na alam na niya ang mga problema, mula sa malaki hanggang kaliit-liitan na-master na niya at kung ano at sinong concerned agencies ang lalapitan.
Kaya naman excited na siyang simulan ito on Thursday, 8:30 p.m. tomorrow, August 22, on IBC Channel 13.
- Latest