^

Pang Movies

Gina Lopez 20 years naging misyonaryo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gina Lopez 20 years naging misyonaryo!

Hindi ka mabibiglang makikita si dating Environment Secretary Gina Lopez na kausap ang mga vendor ng organic vegetables sa Legaspi Sunday Market. Talagang halos linggu-linggo ay naroroon siya, hindi lang para bumili kundi naririnig naming tinatanong niya ang kalagayan ng mga magsasaka, mga mangingisda at iyong mga naghahayupan.

Hindi mo sasabihing galing siya sa isang milyonaryong angkan. Simple lang kung mag-ayos si Gina Lopez, kagaya rin ng karaniwang mga tao sa Legaspi Sunday Market. Isang araw, narinig pa namin siyang nagtuturo doon sa mga nagtitinda kung papaano ang tamang gamit ng “kakuwate” o “madre cacao”. Ginagamit din iyan bilang herbal medicine. At habang nagsasalita siya, unti-unting dumami ang mga tao sa paligid niya na nakikinig sa kanyang sinasabi.

After so many years, sanay si Gina Lopez sa ganoong crowd. Dalawampung taon siyang naging misyonero ng grupong Ananda Marga sa Africa, Nepal, Portugal at kung saan-saan pa. At sa palagay namin iyong kanyang karanasan bilang isang misyonero ang dahilan kung bakit naging matagumpay siya nang mamuno sa ABS-CBN Foundation at sa Bantay Bata.

Noong panahon niya, iyon ang panahong aktibo ang dalawang ahensiyang iyan. Ilang bata ba ang naisalba ng Bantay Bata 163 noon? Ilang kabuhayan ba ang natulungan niya sa ABS-CBN Foundation.

Pero ngayon, wala na si Miss Gina. Namatay siya kahapon ng madaling araw dahil sa multiple organ failure, na sinasabing nagsimula rin naman dahil sa mga gamot siguro na kailangan niyang inumin para sa brain cancer. Akala rin namin magtatagal pa ang kanyang buhay. Malakas at masigla siya. Iyong lakas niya, sinasabi niyang dahil sa herbal medicine. Pero iyon nga rin, she has gone too soon.

Ang tanda namin, naiwan ang pamilya niya sa abroad dahil nagbalik nga siya sa Pilipinas to be of service to the Filipino people. Matagpuan nawa niya ang kapayapaang walang hanggan.

James at Viva hindi na kinaya ang isa’t isa?!

Maliwanag ang kuwento. Nagpunta sa Viva office si James Reid at ang tatay niya at hininging i-release siya sa kontrata ng kumpanya. Personal daw ang mga dahilan. Siguro nga disappointed din si James dahil sa ilang proyektong hindi natuloy. Siguro iniisip niyang mas ok kung siya na lang ang gagawa ng desisyon sa career niya kaya humingi siya ng release. Ang humihingi ng release ay iyong mga artist na hindi kuntento. Pinayagan naman siya ng Viva, pinakawalan siya nang walang problema.

Iyon ang isang anggulong titingnan mo rin. Basta ang isang artist ay humingi ng release at mabilis na pinayagan, baka may problema na rin ang mga producer niya.

Sa mga ganyang kuwento, pinakamabuti nga para sa magkabilang kampo na manatiling tahimik sa kanilang naging issues na hindi mo maiiwasan. May lalabas ding mga dahilan kung bakit nangyari iyan. Iyon naman ang gusto naming marinig.

Maraming malaking plano dati ang Viva para kay James. Pero aywan nga ba kung bakit parang unti-unti rin silang nanlamig at na-cancel ang ilan sa malalaking project talaga na magpapasipa pa sana sa kanyang career. Pero ganyan talaga ang buhay ng isang artista eh, pana-panahon lang.

Hindi mo masasabing habang panahon ay nasa ibabaw ka. Kung mapailalim, maaari namang maghintay na muli ng tamang panahon para makabawi. Kung hindi naman, humanap ka na nga ng sarili mong pambawi.

GINA LOPEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with