Heaven nagsalita sa paggamit ng credit card ni Jimuel Pacquiao

Heaven Peralejo, Jimuel Pacquiao

Kinumpirma ni Heaven Peralejo na break na nga sila ng anak ni boxing champ Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao. Sa kanyang panayam sa Bandila, tinanong siya kung kumusta na siya after the break-up at ayon sa dalaga, “break-up? Eto, okay naman, I’m focusing on myself, I’m loving myself.”

Nilinaw din ni Heaven na hindi totoo ang mga naglalabasang dahilan ng break-up na kesyo ginamit niya ang credit card ni Jimuel para sa grocery expenses ng kanyang pamilya.

“Hindi naman po totoo. Gusto ko lang pong i-clarify ‘yung sa grocery, as in never happened ‘yun, hindi ko alam, never din kaming nag-grocery together so I don’t know how it happened,” pagli­linaw ni Heaven.

May tsika ring tutol ang magulang ni Jimuel sa relasyon nila at ayon kay Heaven, okay naman daw sila ng family ng ex-boyfriend.

“Okay naman kasi kami talaga with the family, also with tita Jinkee (Pacquiao, ina ni Jimuel) and tito Manny. Sila mismo rin naman nagsabi na okay naman and ako naman kasi, ayoko ring manligaw ‘yung guy if hindi accepted din ng parents,” sabi ni Heaven.

When asked if what really went wrong sa kanilang relasyon, ayon sa young actress ay si Jimuel na lang ang tanungin.

“Siya na lang. Sabihin na lang natin na ako ‘yung nag-let go,” she said.

Aiko ayaw matokhang!

Sa presscon ng seryeng Prima Donnas ng GMA-7 ay natanong kay Aiko Melendez kung kailan na ba nila balak mag-settle down ng politican boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun at ayon sa aktres, hindi pa raw kasi annulled ang BF sa unang asawa at ongoing pa raw ang petition for annulment nito.

“But hopefully, next year,” sey niya.

Strong pa rin as ever ang relasyon nila at masayang-masaya sila sa kanilang tagumpay nitong nakaraang eleksyon kung saan nga nagwagi ang BF sa Zambales. Aniya ay nagpapasalamat sila that all their hard work paid off dahil hindi rin birong dusa ang inabot nila sa kampanya to the point na napagbintangan pa siyang involved sa droga ng kalaban ni VG Jay at matatandaan nga ring idinemanda niya ito ng libel.

Ayon kay Aiko ay tuloy pa rin ang libel case niya laban sa dating Vice Gov. ng Zambales kahit pa sabihing tapos na ang eleksyon at nanalo na sila.

“Somebody has to learn a lesson,” sambit niya.

Sobrang traumatic daw sa kanya ‘yung pinagbintangan siya sa droga gayung isa rin nga raw siya sa nagsusulong ng anti-drug campaign ni Pres. Rodrigo Duterte.

Bukod dito ay napakarami pa niyang death threats na natatanggap that time at talagang hindi na siya makatulog sa takot.

“Kasi, dalawa ang anak ko, mamaya, matokhang ako, di ba? Ang pangit naman ng pagkamatay ko, di ba? Cause of death ko, tokhang? Ang pangit ng headline, ‘Aiko Melendez, Natokhang.’ Eh alam n’yo naman na supporter ako ni Pres. Duterte, against ako sa drugs, tapos, pagbibintangan n’yo akong ganyan. It’s so unfair,” she said.

Dagdag pa ng aktres, “I wanna die beautiful,” kaya tawanan ang press.

Anyway, balik-GMA-7 si Aiko sa Prima Donnas na magsisimula na sa Aug. 19 sa Afternoon Prime ng network.

Show comments