Kapamilya stars, makikisaya sa Kadayawan Festival

MANILA, Philippines — Maghahatid ng tuwa at saya ang ABS-CBN Regional sa Kadayawan Festival sa pagdating ng Kapamilya Karavan sa Davao City kasama ang mga bida ng Kadenang Ginto at Nang Ngumiti ang Langit ngayong Linggo (Agosto 18).

Makikisaya sina Dimples Romana, Beauty Gonzalez, Richard Yap, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin ng popular na pang-hapon na serye, kasama sina Cristine Reyes, RK Bagatsing, Sophia Reola at Enzo Pineda ng sikat na daytime series sa RMC Petro Gazz Arena para sa taunang pagdiriwang ng mga Davaoeño upang magpasalamat sa magandang ani at iba pang biyaya.

Masusubaybayan ng mga Pinoy sa iba’t ibang lugar sa mundo ang malalaking kaganapan sa Kadayawan sa livestream sa YouTube ng Choose Philippines. Tampok sa Agosto 17 (Sabado) ang Indak Indak sa Kadayawan, isang street dance competition na ipinagdiriwang ang kultura ng Mindanao, at sa Agosto 24 naman ang Pamulak sa Kadayawan, isang parada ang mga bulaklak at halaman ng rehiyon.

Ipapalabas ang livestream mula 7:30 am hanggang 12 nn sa Choose Philippines YouTube (https://www.youtube.com/user/choosephils) at mapapanood rin sa  ABS-CBN Davao TV 4..

Show comments