^

Pang Movies

Angelica bumuwelta sa bintang na ‘attitude’ dahil sa paghingi ng pagkain sa set!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Angelica bumuwelta sa bintang na ‘attitude’ dahil sa paghingi ng pagkain sa set!

Nagpatutsada ulit sa social media ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban dahil sinabihan siya na may attitude siya.

Nagsimula raw ito sa paghingi lang daw niya ng pagkain sa set ng pelikulang ginagawa niya ngayon.

Kilala si Angelica sa kanyang pagiging prangka at hindi siya mahilig mang-echos lalo na kung nasa katwiran siya.

Dahil sa pagtawag sa kanya na may attitude siya, nag-tweet ang aktres na hindi na raw siya maghahanap ng makakain tuwing magsu-shooting siya.“From now on. Hindi na ko maghahanap ng pagkain sa shoot. Attitude pala ang tawag dun. Sorry ha? Nahihiya ako sa inyo. (Nag alok naman kasi ng kape),” tweet pa niya.

Pahabol na tweet pa niya: “Haha. Mali ako. Dapat daw pumunta ako sa trabaho na busog. At kapag sinabing tumayo ka sa isang sulok, sumunod ka! kung hindi, may attitude ka.”

Nakahanap naman ng kakampi si Angelica mula sa maraming netizens. Nasa katwiran naman daw ang aktres sa paghingi nito ng makakain dahil nasa shooting set ito at dapat may pinu-provide na pagkain ang production sa mga artista.

Aicelle at Mark naglabas na ng prenup photos

Pinost na sa social media ng Nice Print Photography ang prenup photos ng engaged couple na sina Aicelle Santos at Mark Zambrano.

Makikita na masaya at ang pagiging playful ng dalawa sa mga prenup photos nila.

Eksaktong birthday ni Mark noong nakaraang August 11 noong nilabas ang prenup photos nila ni Aicelle at ito ang pinost niya sa kanyang IG account:“2019 is what I consider my milestone year. And today as I turn another year wiser, I am reminded once again that I have so many things to be grateful for. Soon I will be marrying the woman The Lord intended for me and this photo shows exactly how I feel...contentment. Thank you mahal @aicellesantos . I can’t wait to spend the rest of my life with you.”

Pinost din ni Mark ang naganap na birthday celebration niya kasama si Aicelle at ang ilang fa-mily members.

“Heart is happy!! My family is complete, my belly is full, and blessings keep on coming! Salamat Panginoon for another year of glorious life!” caption pa niya.

Nag-post naman si Aicelle sa kanyang IG account ng solo pic ni Mark at ito ang nilagay niyang birthday message:

“Happiest birthday to this beautiful human being. I love you with all of me.”

J.Lo nagluluksa

Hindi magawang mag-celebrate ni Jennifer Lopez sa successful na pagtatapos ng kanyang It’s My Party World tour dahil inuna nito ang magluksa dahil sa biglang pagpanaw ng kanyang minamahal na Auntie Rose.

Malapit si J.Lo sa kanyang Auntie Rose na ti­nuring niyang ikalawang ina. Isa raw ito sa naniwala sa kanyang talento at nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na subukan ang maraming bagay para wala itong pagsisihan balang-araw.

Sa kanyang Instagram, nag-pay tribute si J.Lo sa kanyang namayapang Auntie Rose.

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with