Masaya ang mediacon ng And Ai, Thank You na ang story ay ginawa talaga ni Direk Joven Tan para kay Ms. AiAi delas Alas na kilala bilang isang Box-Office Queen at Comedy Queen.
Wala raw ibang puwedeng gumawa nito kundi si AiAi, na gumaganap for the first time na isang artista kaya first time raw niyang gumanap na lagi siyang nakasuot ng magagandang damit, at laging naka-make-up ‘di tulad ng ibang movies niya na unglamorized ang role niya.
Sino ang peg ni AiAi sa pagganap ng role niya?
“Wala, pinaghalu-halong character ng bawat isang artista ang ginawa ni Direk Joven,” natatawang kuwento ni AiAi. “Ailene din ang pangalan ko sa story, mabait naman siya sa simula, pero dahil sa mga gulo sa buhay niya, kaya nabago ang ugali niya. Ako na lamang ang nakakaalam kung sinu-sino ang pinagsama-sama sa character ko.”
Bakit parang sunud-sunod ang paggawa ng movie ni AiAi? Inamin niyang pangatlo na itong And Ai, Thank You, na ipalalabas this year.
“Five movies ang nakatakda kong gawin this year, at pagkatapos noon, pahinga na muna ako, next year kasi gusto kong harapin ang family ko at gusto ko nang magka-baby kami ni Gerald (Sibayan). Kapag ginawa ko iyon kailangang sa first trimester, dapat nasa bahay lang ako.”
Paano iyon kung gusto ni Mother Lily Monteverde na siya ang gumanap sa character niya sa bioflick niya na ididirek ni Erik Matti?
“Hindi, pass na ako sa movie ni Mother Lily, saka mas bagay gumanap sa kanya sina Judy Ann Santos at si Congresswoman Vilma Santos. Manonood na lamang ako ng movie ni Mother Lily.”
Sa paanong paraan naman niya gustong matandaan ng mga tao? “Gusto kong matandaan nila ako na ‘ang komedyanteng nagpapasaya sa mga tao ay isang dakilang ina.’”
Sa And Ai, Thank You ay first time lamang magkakasama sina AiAi at isa pang comedienne-singer na si Kakai Bautista, si Rufa Mae Quinto na muling nagbabalik-showbiz, Dennis Padilla, Joey Paras, Rubi Rubi, Anjo Yllana, Joross Gamboa, at may special participation si Juliana Parizcova Segovia.
Mapapanood na in cinemas nationwide ang And Ai, Thank You simula sa Wednesday, August 14.
Sophie puring-puri si Max
May separation anxiety nang nararamdaman si Sophie Albert ngayong nasa last two weeks na lamang ang afternoon prime drama series nilang Bihag.
Ano ang natutunan niya sa pagganap niya bilang si Reign, ang pinakamasamang kontrabida role na nagampanan niya.
“I learned na, as a person, kailangan mong lumugar sa situation mo. Hindi lahat ng gusto mo ay tama,” sabi ni Sophie. “Pero iti-treasure ko ang nabuo naming relationships sa set. Eight months kaming nagsama-sama at naging pamilya kami sa set. At thankful din ako dahil reunited kami ni Max (Collins). Matagal na kaming magkakilala mga teenager pa lamang kami hanggang sa nawalan na kami ng communications, at ngayon close muli kami. Siya ang pinakamabait at pinaka-generous na taong nakilala ko.”
Ang Bihag ay napapanood pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.