Daig ang romantic film, Mother Lily bongga ang lovelife noong kabataan
In Bicol, where the Yu (Mother Lily Monteverde’s maiden surname) family originally came from, her late Dad was known as the Copra King.
Yes that’s how prominent and rich the Yu family are.
Ganunpaman, bata pa raw si Mother Lily, mahilig na siya sa showbiz. Kahit nag-aaral sa isang exclusive school dito sa Maynila, ‘di siya nangingiming makiusap sa mga istriktong guards noon ng Sampaguita Pictures para lamang makapasok sa loob ng studio at makita o makausap ang kanyang mga paboritong artista tulad nina Gloria Romero, Luis Gonzales and also the late Ric Rodrigo at Lolita Rodriguez.
Ganunpaman, very colorful din ang lovelife ni Mother Lily, naging magkaribal sila ng kanyang best friend, dahil sa isang guwapo at sikat na basketball player of an exclusive school.
Nakagawa ng movie si Mother Lily tungkol dito, na ang naging mga pangunahing artista ay sina Vilma Santos at Alma Moreno.
Kaya ‘di ako nagtataka Salve A., kung bakit nagka-interes ang mga anak ni Mother Lily, specifically sina Roselle at Dondon, na isapelikula ang buhay ng kanilang ina.
Tunay na colorful ang buhay pag-ibig ni Mother Lily, lalo na kung ikukumpara sa mga mala-romantikong movies na nai-produce na ng kanyang Regal Films at Regal Entertainment.
Sana, matuloy nga.
Epi pangarap makapag-direk ng pelikula
Kumbaga sa computer, naging multi-tasking na si Epi Quizon, tulad ng elder brother niyang si Eric Quizon.
Aba, ‘di na lang sa pagharap sa camera, both TV and the big screen siya abala, nagdidirek na rin siya.
Ilang TV commercials na rin ang kanyang naidirek, pati na mga corporate video.
Well, he looks forward daw to directing full-length films as well as teleseryes and if allowed the chance, type niya na mga baguhan at young performers ang maging bida sa kanyang projects katulad nina Grae Fernandez, Edward Barber, Chantel Videla at Maymay Entrata, who are featured with him and Sunshine Cruz, plus Malon de Guzman, in the well-followed episode ng Wansapanataym, Hiwaga Ng Kambat.
Medyo kontrabida ang role na ginagampanan ni Epi sa Hiwaga Ng Kambat, aired Sunday evening on ABS-CBN.
Epi’s real name is Jeffrey Quizon. He is one of the late Comedy King Dolphy’s son with Pamela Ponti. Kaya tunay na kapatid niya si Eric, as well as sister Madonna, who now lives with their Mom in the U.S.
Now in his mid 40s. Epi is married to non-showbiz Maria Camus Escudero.
Frustration nga pala ni Epi na ‘di niya naidirek ang kanyang ama. He would have loved, he said, to direct Dolphy either in a comedy movie or TV show.
Kylie muntik na kay Dingdong!
Did we hear it right na originally eyed sana to play leading lady ni Dingdong Dantes in the local adaptation of the Korean novel, Descendants of the Sun ay si Kylie Padilla?
Welcome sana ni Kylie, pati na ng kanyang asawang si Aljur Abrenica na tanggapin ang role, but then, she discovered she was pregnant anew with her second baby boy.
Ang panganay nila ni Aljur na si Alas, just turned two years old. Alas is Robin Padilla’s, first grandson, second itong kasalukuyang dinadala niya.
With eldest daughter, Queenie, Robin has a granddaughter.
Babae din nga pala ang isisilang anytime soon ng misis ni Robin na si Mariel Rodriguez. She will be named Gabriella.
Robin and Mariel’s eldest Isabelle, is three years old.
Nadine ayaw din maka-partner si Daniel
No way daw, ayon kay Nadine Lustre, na papayag siyang makatambal si Daniel Padilla either in a movie or TV show.
Para walang magiging problema both sa following nila ni Daniel, lalo na ni Kathryn Bernardo.
Kung sabagay, this is, too, an opinion shared by Kathryn.
Magkakatapatan today, August 7, ang pelikula nina Kathryn at Nadine, since mag-o-open sa mga sinehan ang pelikulang Indak nina Nadine at Sam Concepcion.
Tanong lang, sa ilang sinehan kaya showing nationwide ang Indak.
The Kathryn-Alden Richards movie, we heard, is now ipinalalabas sa more than 400 sinehan.
And it’s a confirmed box-office hit.
Well, napag-uusapan lang.
- Latest