^

Pang Movies

I Can See... papalitan ang Bulilit

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Tuluyan nang namaalam sa ere ang longest-running kiddie gag show na Goin’ Bulilit nung nakaraang linggo ng gabi, August 4 matapos ang 14 years nitong pamamayagpag sa ere at pinagmulan ng maraming stars na ngayon tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Miles Ocampo, Jane Oineza at marami pang iba.

Nalungkot ang mga bata na kasama pa sa Goin’ Bulilit sa pagsasara ng programa na magkakatulong na dinirek ng mag-aamang Edgar Mortiz, Frasco Mortiz at Badjie Mortiz lalo pa’t naging training ground ito ng mga bata since age four pataas.

Dahil sa pagkawala ng show, mauurong na to 6 p.m. ang longest-running hit  magazine show ni Korina Sanchez, ang Rated-K.

Simula rin sa darating na Sabado, August 10 ay ibabalik na rin sa ere ang panibagong season ng local adaptation ng Korean version ng I Can See Your Voice ni Luis Manzano.

Alex mas malakas na ang raket kesa kay Toni

Umaariba ngayon ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga hindi lamang bilang sikat na vlogger kundi bilang actress-comedienne, host, singer-rapper at celebrity endorser. Katunayan, naungusan na ni Alex ang kanyang ate na si Toni in terms of paramihan ng trabaho at product endorsements bagay na ikinatutuwa naman hindi lamang ni Toni kundi maging ng kanilang parents na sina Carlito `Bonoy’ at Pinty.

Proud din siyempre kay Alex ang kanyang boyfriend, ang businessman-politician na si Mikee Morada.

Ang magkapatid na Toni at Alex ay mag-business partners sa kanilang milk-tea shop, ang Happy Cup na may ilang branches na rin.

Rapper na si Because, 11 lang nang gumawa ng kanta

Kamakailan lamang ay ni-launched ng Viva Records ang bagong single ng isa sa mga recording contract talents ng kumpanya na si Because (his real name is BJ Castillano), isang hip-hop artist at magaling na composer and musician sa edad na 18.

Kilala si Because sa kanyang mga naunang hits tulad ng Marlboro Black na nakakuha ng 33 million views on YouTube. Ito’y sinundan ng Sandali at Gilid na napasama sa kanyang debut album na pinamagatang Heartbreak SZN. Pero nitong 2019 ay naglabas siya ng Direk single na sinundan ng PNE.

Kasalukuyang tinatapos ni Because ang kanyang second album under Viva Records na naging home studio niya since he was 16.

Gloria wala pa ring balak huminto sa pag-aartista

Bago sumakabilang-buhay ang movie icon na si Eddie Garcia ay makailang beses nitong sinabi na wala umano siyang balak mag-retire at age 90 hangga’t patuloy na dumarating ang offer sa kanya at kaya pa rin naman daw niyang gampanan ang mga role na ipinagkakatiwala sa kanya ng mga producer.

Hindi namatay si Eddie dahil sa sakit o sa edad nito kundi dahil sa aksidente na nangyari habang nagti-taping ito ng kanyang huling serye, ang Rosang Agimat na naka-shelve ngayon.

At 85, ganoon din ang pahayag ng isa pang movie icon, ang (dating) movie queen na si Gloria Romero.“Hangga’t kaya ko pang i-memorize at i-deliver ang mga lines ko at hangga’t kaya ng katawan ko, hindi pa ako magre-retire,” sambit ni Gloria sa tuwing tatanungin ito kung kelan siya magre-retire.

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with