Jerome maraming pinahanga sa pag-arte
Do you know Salve A. na elder brother pala ng ama ng aktor na si Jerome Ponce ang dating premyadong aktor ng Premiere Productions na si Lauro Delgado?
The late Lauro’s real name pala was Loreto Porciuncula.
Jerome’s Dad is Jesus Porciuncula.
No less than one of the best directors ng Tagalog films, the late Gerardo de Leon, discovered Lauro for showbiz. He immediately included Lauro in one of the best movies ever he directed, Sawa Sa Lumang Simboryo.
Of Jerome, he was introduced in the Jodi Sta. Maria-Richard Yap first team-up, the comedy series, Be Careful With My Heart, kung saan ipinakilala rin si Janella Salvador.
Well, marami ang humanga sa performance ni Jerome sa episode last Saturday ng top drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) ni Charo Santos, na pinamagatang Simbahan, where he played a young and good-looking man na na-in love sa isang babaeng ‘di lang almost twice his age but isang PWD (person with disability).
Maja step-sister ang anak ni Malou
Not many knew (isa na ako), na may anak pala ang beteranang aktres na si Malou de Guzman sa ama ni Maja Salvador, the late Ross Rival (real name: Rosauro Salvador).
Ross, an actor din, was the younger brother nina Phillip Salvador and the late Alona Alegre.
Well, babae ang anak ni Malou kay Ross at kinikilala ito ni Maja bilang kanyang half-sister.
Magkasama sina Maja at Malou sa incoming serye na The Killer Bride na dinirek ni Dado Lumibao, which also stars two other Salvadors, Jobelle and Janella.
In the cast too of The Killer Bride ay sina Geoff Eigenmann, Eddie Gutierrez, Sam Concepcion, plus Joshua Garcia, among others.
Featured din ang former beauty queen na 20 years napahinga sa showbiz, si Aurora Sevilla na maganda pa rin kahit nadagdagan ng timbang. She has two children daw.
Of Malou, she is also in the cast of the running series, Hiwaga ng Kambat, the featured episode of Wansapanataym, co-starring her with Epi Quizon, Sunshine Cruz, Grae Fernandez, Maymay Entrata at Edward Barber.
Nadine naliitan sa role?!
Naliitan nga ba si Nadine Lustre sa role na sana’y gagampanan niya sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Miracle in Cell No. 7, co-starring her sana with Aga Muhlach kaya she begged off from doing it?
Bela Padilla reportedly replaced her.
Obviously, nakalimutan ni Nadine na sa isang magaling na aktres, it’s not the length of the role which counts, kung hindi kung paano niya ito gagampanan.
Sayang at sa pelikula sanang ito mapapatunayan ni Nadine if truly deserving siya of the two best actress trophies she was awarded for her performance in Never Not Love You.
Well.
Big Brother epektib na starmaker at matchmaker!
By the time this issue comes out, we would have known kung sino sa apat na natitirang housemates, consisting of Kiara, Lou, YamYam at Andre ang nag-emerge na big winner sa Pinoy Big Brother (PBB) Otso.
Well, allow us to congratulate Big Brother for another job well-done, kumbaga.
Based sa PBB winners na ngayon ay big time na sa showbiz, pinatunayan niyang Stars are not necessarily born, they can be made.
You need to hunt them, however.
Ang malaking pagkakaiba nga lang, big winner na, in the true sense of the word, na maituturing ng Big Winner in the episode of PBB Otso, well, ang sarili, considering the enormous prizes he won in cash and in kind.
More power, Kuya.
Samantala, magkatuluyan din kaya sina Andre at Lou tulad ng nangyari kina Melai Cantiveros at Jason Francisco na naging housemates sa PBB Season 3?
May dalawang anak na ngayon na parehong babae sina Melai at Jason.
Hindi ka lang, starmaker, Kuya, matchmaker pa.
- Latest