Anne ayaw na uling gumawa ng tatlong pelikula sa isang taon
Ayon kay Anne Curtis, ayaw na raw niyang ulitin ang paggawa ng tatlong pelikula sa isang taon just like she did last year dahil masyado raw itong nakakapagod.
Last year ay matatandaang ginawa ni Anne ang mga pelikulang Sid & Aya: Not a Love Story, BuyBust and Aurora.
This year ay kapansin-pansin na medyo nag-slow down si Anne dahil nakaka-isang pelikula pa lang siya, ang Just a Stranger with Marco Gumabao na showing on Aug. 21.
Ani Anne ay tama lang daw naman ang ganitong schedule of filming niya na 3 months shooting at pagkatapos ay showing na. At ngayong natapos na niya ang Just a Stranger ay ginagawa naman niya ang Momolland with Vice Ganda na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2019.
“Doing three films in a year is quite a lot of work. Especially when I have It’s Showtime which is Monday to Saturday. I hardly get to see my husband (Erwan Heussaff) at all when I did the three films,” sabi ni Anne.
Kaya okay na raw sa kanya ang two films a year.
“I think, two films in a year is fair enough, I mean I’ll never do again the 3 films in a year. It just takes up too much of your life. I think, at least, one film a year, maybe two films.
“But I’m happy, I got to experience three films in one year. But I don’t think, I’ll ever do it again,” pahayag pa ng aktres.
Marco nagpakita ng ‘bukol’ kay Anne
Aminado naman si Marco na matagal na niyang crush si Anne kaya nang sabihin sa kanyang magiging leading man siya ng aktres sa Just a Stranger ay sobrang shocked na shocked daw siya.
Actually, nakasama na raw niya si Anne way, way before pa, medyo bata pa siya that time, sa teleserye with Kris Aquino and Robin Padilla.
Pagkatapos ay nakatrabaho niya ulit ito last year sa MMFF 2018 film na Aurora pero hindi siya ang leading man at ibang-iba siyempre sa Just a Stranger na sila talaga ang bida.
Marco recalled na sa Aurora pa lang daw ay kabadung-kabado na siya working with Anne dahil nga crush niya ang aktres.
“Lagi kong sinasagot pag tinatanong ako kung sino gusto kong makapareha or kung sino ang crush ko, lagi kong sinasabi, siya (Anne),” kwento ni Marco sa presscon ng Just a Stranger.
Sa Aurora pa lang daw ay nakita na niya kung gaano ka-genuine si Anne at napakasaya raw kausap.
“So, from Aurora, naka-start na kami ng kahit kaunting friendship kahit paano.”
May kissing and love scenes sina Marco and Anne sa pelikula at aminado rin ang aktor na talagang sobrang kinabahan siya noong unang kunan ang maiinit na eksena dahil first time raw niya sa mga ganun’g intimate scenes.
Pina-describe kay Marco ang lips ni Anne at sagot ng aktor ay perfect daw and kissable.
At para sa ikagaganda ng pelikula may pasabog si Marco na siya mismo ang nag-suggest ayon kay direk Jason Paul Laxamana. Ayaw sabihin ng aktor kung ano ito pero ayon sa mga gay reporters ay baka butt exposure raw ito o di kaya ay “pabukol”.
- Latest