Noon pa man ay ikinukuwento na sa akin ni Cacai Velasquez-Mitra ang pagiging Sharonian nila ng ate niyang si Regine Velasquez-Alcasid.
Naka-relate nga raw sila sa pelikulang Bukas Luluhod Ang Mga Tala ng Megastar na si Sharon Cuneta.
Noong mahirap pa raw sila at nangarap din silang maging matagumpay katulad ng Dorina Pineda character ni Sharon sa pelikulang ‘yon.
Nang mag-guest nga si Sharon sa Regine At The Movies concert series ng Asia’s Songbird sa New Frontier Theater last year ay sobrang tuwa ng misis ni Ogie Alcasid.
At ngayong ngang magkasama sila sa Iconic, ang two-night concert nila sa Araneta Coliseum on October 18 & 19 ay lalong masayang-masaya si Regine.
Sabi ni Sharon, masaya rin siya na magko-concert na talaga sila ni Regine.
Si Rowell Santiago ang director ng Iconic.
Miss World nagre-recruit ng mga sasali
Si Arnold Vegafria sa Continental Miss Philippines America.
Si Arnold na siyang may hawak ng franchise ng Miss World Philippines ang chairman ng board of judges sa beauty pageant na ‘yon na ginanap noong Sunday night sa Aratani Theater sa Little Tokyo sa downtown Los Angeles, California.
Automatic na kasali sa Miss World Philippines ang winner sa contest na ‘yon
Mukhang may ibang contestants na nagustuhan si Arnold, kaya i-invite raw niya na sumali sa screening ng Miss World Philippines ang mga ‘yon.
Anak ni Ruffa ini-spoil ni Annabelle
As you read this, paalis na ng L.A. si Lorin Gutierrez, ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez.
Nag-aral ng Economics sa UCLA special summer class si Lorin.
Bukas ang dating niya sa Philippines.
Marami ang nag-aakalang college na si Lorin dahil sa pre-college course na kinuha niya sa UCLA.
Bale Grade 11 pa lang si Lorin ngayong pasukan (sa isang international school siya pumapasok at ngayong August pa lang ang start ng klase nila).
So, two more years bago mag-college si Lorin.
Hindi pa rin daw siya sure kung sa ibang bansa nga siya mag-aaral.
Okay lang kay Ruffa kung sa abroad mag-aaral ng college si Lorin. Pero mas gusto naman ni Annabelle Rama na sa Philippines lang mag-college ang una niyang apo.
Yes, mas spoiled kay Bisaya si Lorin.
Sabi ni Ruffa, ayaw niyang i-spoil ang kanyang mga anak.