Jeric gagawa ng May-December affair kasama si Alice!
Hindi nauwi sa wala ang naging preparasyon ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales para sana sa action teleserye na Rosang Agimat.
Dahil shelved na nga ang naturang teleserye, nabigyan naman agad si Jeric ng pagbibidahan na teleserye. At sexy ang tema nito.
Ayon sa aming source, makakasama ni Jeric sa teleserye ay ang nagbabalik Kapuso na si Alice Dixson.
Isang May-December affair ang tema ng naturang teleserye kaya sasabak si Jeric sa maraming mga maiinit na eksena kasama si Alice.
Wala pa raw final title ang naturang teleserye na magpapakita sa isang mature and sexy image ni Jeric.
Panahon na ngang mag-iba na ng image si Jeric dahil 26-years old na ito.
Uso na rin kasi ang May-December affair stories tulad ng Glorious nila Angel Aquino at Tony Labrusca, Belle Douleur nila Mylene Dizon at Kit Thompson at ang upcoming film na Just A Stranger nina Anne Curtis at Marco Gumabao.
Dani pinalalayo sa awayan ng magaganda!
Hindi napigilan na patulan at makipagtalakan sa mga basher on social media si Dani Barretto dahil sa pagtatanggol nito sa half-sister na si Julia Barretto na naging dahilan daw sa paghihiwalay nila Gerald Anderson at Bea Alonzo.
Si Dani ay anak ni Marjorie Barretto sa ex-boyfriend nitong si Kier Legaspi.
Isa kasi rin sa bisita ni Rayver Cruz si Dani noong birthday party nito kunsaan nagsimula ang kontrobersyal na issue nila Gerald at Julia.
Sa isang Instagram post ni Julia noong nakaraang July 25, naglagay ito ng caption na: “The difference between coffee and their opinion is— I asked for coffee.”
Nag-comment si Dani na “That’s my girl!” pero may nagsabi sa kanyang netizen na huwag siyang sumali sa isyu dahil pang magaganda lamang daw ito.
Hindi na nga mababasa ang sagutan pa ni Dani at ng netizen dahil disabled na ang comment section sa IG ni Julia.
Constance Wu, ‘diva’ na ang ugali
Nag-deny ang Crazy Rich Asian star na si Constance Wu na playing diva siya sa set ng pelikulang Hustlers kung saan co-stars niya sina Jennifer Lopez, Cardi B and Lizzo.
May nagpakalat daw kasi sa media na isa siyang “difficult diva” na maraming demands sa set.
Tinawag din siyang “piece of work” and she treated “people badly” on set.
Naisulat din na nag-demand pa raw ito na she gets top-billing sa pelikula.
Naglabas ng kanyang official statement si Wu bilang depensa niya sa bad press na kumakalat about her and her professionalism.
Si J.Lo na mismo ang nagsabi na deserve ni Wu ang top-billing dahil siya naman daw talaga ang bida sa Hustlers.
To prove na walang problema, present si Wu sa 50th birthday celebration ni J.Lo na ginanap sa Star Island beach mansion ng singer na si Gloria Estefan.
- Latest