Juday tumalak na naman sa namemeke

Judy Ann Santos

Muling tinawag ng pansin ni Judy Ann Santos ang mga taong gumagamit ng pangalan at larawan niya para lang makapagbenta ng kanilang produkto.

Sa kanyang Instagram account ay inirepost ni Juday ang pekeng ad kung saan ay makikita ang larawan niya na nag-eendorse ng sliming product.

Sa caption ay nilinaw niya hindi siya nage-endorse ng anumang slimming product.

“Talaga ba?? Parang nangyari na to e..  Ok.. just to clarify.. NOPE,HINDI,WALEY!

“I am not endorsing or using BLACK LATTE AND/OR PURPLE MANGOSTEEN! Again, we tried reaching out to the people behind these products and we never received any reply at all, no explanations or anything.

“Pinalitan lang nila yung producto pero still used my photo from my other endorsement and edi­ted it para palitan yung totoong product na hawak ko,” ang simula ng caption ni Juday.

Patuloy ng aktres ay wala siyang ginamit na kahit anon’g slimming drink o produkto para pumayat.

“Wala po akong ginamit na kahit anong slimming drinks or products to lose weight.. proper diet, workout and a supervised slimming program under AIVEE INSTITUTE ang ginawa at ginagawa ko hanggang ngayon..

“Pinaghirapan ko sa tamang paraan para makabawas ako ng timbang. So,para sa mga taong gumagawa nitong fake na balitang to.. pagpaguran nyo naman din sa tamang paraan ang pagbenta ng produkto nyo,” saad pa ni Juday sa kanyang post.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagamit ang pangalan ni Juday sa mga ganitong klaseng online ad. Kung bakit nga paborito siyang biktimahin ng mga nagbebentang ito ng kanilang produkto.

Binatikos naman ng kanyang mga followers ang nagpakana ng pekeng ad at sinabihan siyang idemanda or ireklamo ang mga ito.

Nicole at Race natanggap ang bonggang break

Masaya ang mga Viva young star na si Nicole Omillo na mabigyan ng break at makasama sa pelikula si Nadine Lustre via Indak.

This is the biggest break so far for Nicole who started her showbiz journey as a member of the all-girl pop group Sugar ‘N Spice. She plays a very important role in the “Indak” which is perfectly previewed in the soundtrack song Trianggulo that she performs alongside Nadine and leading man Sam Concepcion. The track has only been released for over a week and has already accummulated nearly a million streams and views.

“I feel so blessed with this project,” pahayag ni Nicole. “It’s such an honor to be working with Nadine and Sam who are not only great actors but also singer-performers. Nakaka-inspire sila.”

Race feels the same and only has praises for Nadine.

“You can’t help but admire her. She goes way beyond what’s required of her. She makes me want to do better in what I’m doing.”

Mapapanood na in cinemas nationwide sa August 7 ang Indak.

Show comments