Ate Vi hindi nagpabongga sa SONA
Laging naalala ang bilin ni Pres. Duterte
Simpleng business attire lang ang suot ni Congresswoman Vilma Santos sa katatapos lang na State of the Nation Address (SONA) at hindi siya napansin at napasama sa mga tinawag na best dressed noong araw na iyon. Pero hindi naman masasabing wala sa ayos ang damit na suot ni Ate Vi. Maganda naman iyon, hindi nga lang kagaya noong iba na talagang nagpagawa pa ng gowns para sa SONA.
“Natatandaan ko last year pa, unang taon ko as congresswoman, mayroon nang directive sa amin na ang gusto raw ng presidente para sa SONA ay iyong simpleng Filipiniana lamang. Iyon ang dahilan kung bakit pinili ko iyong simple lang. Isa pa, naroroon naman ako para magtrabaho. Hindi naman para sa isang okasyon lang.
Sino ba ang hindi mahilig magbihis. At ang totoo, alam ninyo iyan ang dami kong gown na magagamit, pero ewan ko ba nangibabaw sa isip ko noon na kailangang naroroon ako para magtrabaho. Kaya kailangan simple lang, iyong makakakilos ako nang mas maayos.
Isa pa, wala na rin namang time. Hindi ba nagbakasyon naman ang buong pamilya. Nakauwi kami just in time para sa opening ng Congress. Maski si Ralph (Recto) eh, hindi naman nagpagawa ng bagong barong.
Ang maganda nga roon, noong oath taking ni Ralph noong umaga, kailangan sana nandoon ang pamilya to witness. Hindi naman ako maaaring absent sa house para mag-attend sa session nila sa Senate. Kaya noong oath taking niya ang member of the family lang na nandoon si Ryan (Recto). Pero alam naman niya kung bakit ganoon, pareho lang kami may trabaho,”sabi ni Ate Vi.
Ano pa ba ang ibang plano niya sa House?
“Nag-submit na ako noong mga proposed bills ko. Nakalinya na iyon, naghihintay na lang kung kailan mapag-uusapan. Ganoon naman talaga eh,” sabi pa ni Ate Vi.
Isang transportation network company, kailangang turuan ng leksiyon sa panggagamit ng mga artista
Katakut-takot na pagbatikos ang inabot ng isang transportation network company matapos na sakyan ang isang controversy na walang dudang patama kay Gerald Anderson.
Inilagay ang pictures ng mga artistang babae na naiugnay kay Gerald at sinabing kaya silang mapagsabay-sabay.
Kami man, nang makita namin iyon, sabi nga namin in bad taste ang kanilang ginawa, lalo na para sa mga artistang babae na ginamit pa nila ang pictures nang walang pahintulot para sa promo ng kanilang transport company. Hindi dapat pinaliligtas iyan. Bagama’t inamin nila ang kanilang pagkakamali, na kung iisipin mo umabot na sa kabastusan, at humingi naman sila ng dispensa, palagay namin kulang ang ganoong apology.
Botohan sa text para sa mga mananalo sa talent search, kailangan ng witness
Papaano mo maitse-check kung may anomalya sa pamimili ng mananalo sa isang talent search? Pinaboboto ang mga tao sa pamamagitan ng text, eh sino ba ang nagbibilang ng text? May mga nakabantay ba sa mga nagbibilang? Ano ba ang sinasabing choice ng council, maliwanag din ba?
Iyong text, supposed to be iyan ang peoples’ choice. Iyong pinili ng council, iyan ang medyo artistic choice, pero alin ba ang mas binibigyan ng bigat? At sino ba ang nagkukumpara ng resulta nang dalawa para lumabas ang mananalo? Hindi po maliwanag iyan.
Kailangan may isang independent accounting firm din na gagawa niyan.
- Latest