^

Pang Movies

Kumpetisyon nina Kathryn at Nadine, nakakadagdag ng excitement

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kumpetisyon nina Kathryn at Nadine, nakakadagdag ng excitement
Kathryn Bernardo

Malaking tulong ang competition sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre para maging mas exciting ang career nila.

Hindi natin inakala na silang dalawa ang pinagsasabong dahil parehong maganda ang physical features nina Nadine at Kathryn na pawang mga frontliner ng kanilang mga home studio.

Grabe ang mga project at publicity nina Nadine at Kathryn. Parang natabunan na nila ang ibang girls ng mga loveteam dahil puwede silang magsolo at ipareha sa ibang mga aktor.

Bida si Nadine sa Indak ng Viva Films na showing sa mga sinehan sa August 7 pero mauuna ang playdate sa July 31 ng Hello, Love, Goodbye, ang kinasasabikan na pelikula nina Kathryn at Alden Richards sa Star Cinema.

Mukha namang mabait ang dalawang actress, parehong professional at magtatagal sa kani-kanilang mga  trono. So far so good dahil both are talented, good competition, walang masyadong maiiwan, hindi malayo ang lamang ng isa at halos pantay na pantay.

Who will be number 1 & 2? Kayo ang humusga, di ba Wendell at Ogie Narvaez?

Siargao hindi pa handa sa maraming turista

May mga nabahala sa nangyari sa asawa ni Yeng Constantino nang magbakasyon sila sa Siargao at dahilan para manawagan ang singer sa mga kinauukulan.

Maiiwasan ang mga aksidente sa Siargao kung alam ng mga tao na nagpupunta at nagbabakasyon doon ang tunay na sitwasyon.

Hindi pa siguro handa ang Siargao sa dagsa ng mga tao, sa turismo kaya hindi pa handa ang facilities nila. Kung ang Boracay na matagal nang pinupuntahan ng mga turista meron nang facilities, it’s about time na ang Siargao naman ang ayusin at asikasuhin ni Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat.

Hindi natin dapat makalimutan na wala pa ang mga importante na kagamitan at  mga first aid na dapat laging nakahanda dahil hindi pa rin first class ang mga hotel sa Siargao.

Dapat na isipin din natin na third world country ang Pilipinas kaya hindi lahat ng lugar, may first class facility.

Hindi natin dapat laging  isisi ang mga pangyayari sa lugar na ating pinuntahan. Kung gusto natin na maging maayos na bakasyon, pumunta tayo sa lugar na alam natin na okey at handa na.

Ayokong isipin na after ng Karen Davila incident, hindi pa rin natin alam na hindi pa puwedeng mag-handle ng emergency situation ang mga residente ng Siargao.

Siguro naman, may mga plano na ang Department of Tourism, siguro naman inaayos na ng unti-unti ang Siargao kaya dapat habaan ng mga nagpupunta roon ang kanilang mga pasensya, kung sakali na may mga pagkukulang.

Nauunawaan ko ang feeling ni Yeng, ang kaba at takot na naranasan niya pero huwag naman sa­nang masira ang propesyon ng isang doktor at  staff ng hospital na kanyang inirereklamo.

Pasalamat na lang at walang nangyaring masama o higit pa sa dinanas na aksidente ng kanyang asawa. Kalmante lang dapat or better umiwas muna tayo na  pumunta sa lugar na hindi pa maayos.

Gawan sana ng paraan ng mga opisyal at residente ng Siargao na magkaroon ng feeling of safety ang kanilang mga bisita. Hilingin nila sa pamahalaan na unahin na lutasin ang problema sa turismo dahil sila rin naman ang mga makikinabang. Tulu­ngan lang para pare-pareho tayong tumaas.

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with