Ate Vi nag-react sa awayan ng mga taga-industriya at cinema owners
Matapos ang ilang linggong bakasyon, nakabalik na si Congresswoman Vilma Santos-Recto, back to reality na naman ang kanyang buhay, pero napakalaking bagay daw iyong nakakapagbakasyon siya.
Pagdating daw niya, ang daming issues pero wala naman siyang kinalaman sa mga iyon. Isa sa nakatawag ng pansin ni Ate Vi ay iyong pinag-uusapang pagtatalo ng mga tao sa industriya ng pelikula at ng mga may ari ng sinehan. Feeling kasi noong mga may ari ng sinehan, sinasakal sila.
“Natandaan mo noong araw na mga bata pa tayo, hindi naman nag-aaway iyong producers at mga sinehan. Nagtutulungan iyan eh. I would like to say that during that time, lalo na noong mauso iyong mga pelikulang bomba, hindi makaka-survive iyong mga matitinong producers kung hindi tinutulungan ng mga may ari ng sinehan. Malaking tulong sila sa industriya.
“Noong araw, ine-encourage pa nila ang independent producers. Basta sinabi gagawa ng pelikula, pero kulang ang puhunan, I remember lumalapit sila sa mga may ari ng sinehan, pinapautang pa sila na ang bayad, aawasin na lang sa kikitain ng kanilang pelikula basta palabas na sa sine.
“Minsan nakapag-shooting na ang pelikula, nasa post production na. Iyong mga may ari ng sine, sila pa ang tatawag sa film producers, at nag-aalok na sila ang magbibigay ng pambili ng positive ng pelikula para matapos agad. Kaya nagtutulungan iyan noon, nagtataka ako kung ano ang dahilan at ngayon nagkakalaban sila,” sabi ni Ate Vi.
Pelikula nina Nora, Tirso at Christopher hindi kikita, buti ‘di itinuloy
Marami ang nagsasabing kung natuloy ang balak na isama kay Nora Aunor sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III, tiyak na magkakaroon ng novelty ang pelikula, papasukin iyon ng mga tao at malamang sa hindi kikita ang pelikula.
Alam naman ninyo ang mga Pinoy, mahilig din sa medyo may controversy, at ang dalawa ang pinaka mainit na nakasama ni Nora kahit na noong araw.
Pero ang nangyari, tumanggi si Boyet. Tumanggi rin naman si Pip. Ang paniwala namin, hindi personal ang dahilan kung ‘di career moves lang talaga.
Dating matinee idol gusto nang tigilan ang pambobola sa mga matrona!
Ayaw na rin naman daw ng dating matinee idol ng buhay na nambobola lang ng mga matrona, pero kung titigilan niya iyon, saan naman siya pupunta.
Wala na siyang career, at lahat naman ng sinasabing negosyo niya noong araw ay pumalpak.
Hindi na rin niya mabalikan, dahil ini-snob na siya ng dating bading na “nagbigay pala” sa kanya. Marami na iyong iba.
- Latest