Sobrang na-appreciate ko ang mga artista natin na may mga business. ‘Yung may ibang diversion sila at nag-iisip kung paano kikita kapag wala na sila sa showbiz.
Type ko ang mga cake ni Nikki Valdez na natikman ko at nasarapan ako. Ang sardinas nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Raymart Santiago type ko rin.
Ang scented candles na ginagawa ni Pauleen Luna, mababango rin.
Hindi ko pa natitikman ang cookies ni Jennylyn Mercado at ang ibang mga tinda ng ilang artista pero maganda na nagnenegosyo sila, kahit maliit lang.
Nagsisimula sa maliliit ang mga malalaki na negosyo. Basta makapag-start lang, malay mo
ma-hit ang jackpot.
Masarap isipin na nagnenegosyo ang mga artista at talaga naman na nakikita natin how their brains work outside of acting.
At dahil artistic sila, ang ganda ng packaging na naiisip nila. Cute ang design ng Estela, ang restaurant business ni Gladys Reyes at ng kanyang mister na si Christopher Roxas.
May nagsabi sa akin na maganda rin ang interior ng restaurant ni Kris Bernal. Ang mga business nila will help them thru the lean months sa entertainment industry. Sige go, more business, the better.
Megan at Kris iniintriga na!
Ngayon ang last day sa telebisyon ng Dragon Lady na papalitan sa Lunes ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.
Starring sa bagong afternoon drama series ng GMA 7 sina Rayver Cruz, Megan Young, Kim Domingo at Kris Bernal.
Hindi pa man nag-uumpisa ang Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, may nang-iintriga agad kina Megan at Kris.
Bakit daw pumayag si Kris na maging suporta ni Megan eh nagbibida siya noon sa mga afternoon teleserye ng Kapuso Network?
Sa totoo lang, si Kris ang bidang-bida sa trailer ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko kaya walang mag-aakala na suporta siya ni Megan. Ang mga intrigera lang ang gumagawa ng isyu dahil happiness na nila na pag-awayin ang mga artista.
Malas nila dahil hindi naman patola sina Megan at Kris. Hindi basta nagpapaapekto ang dalawa sa mga mababaw at walang kakuwenta-kuwenta na intriga.