^

Pang Movies

Bitoy tikom ang bibig sa kuwento ng Family...

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Bitoy tikom ang bibig sa kuwento ng Family...
Michael V

Matagal nang dream ni comedian-actor Michael V. na makapag-direk ng pelikula. Hindi man niya inaamin na nagdidirek na siya, pero iyong maging creative director ka lamang ng isang TV show, tulad ng Bubble Gang, para ka na ring nagdidirek.

Natupad ni Bitoy ang dream niya nang makipag-co-produce siya at ang wife niyang si Carol Bunagan ng kanilang Mic Test Entertainment, Inc. with GMA Pictures, sa Family History. 

Katambal si Ms. Dawn Zulueta, kahit anong tanong namin kay Direk Bitoy, hindi niya talaga sinabi kung ano ang kabuuan ng story ng Family History, ang lagi niyang sagot, “it’s up to the moviegoers na malaman nila kung ano ang story at kung ano ang aral na gusto naming paratingin sa kanila.”

Tiyak na nagustuhan ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang movie at binigyan sila ng Grade B plus ang magandang review sa movie na ipinadala nila kay Bitoy and he shared them to the public:

Ang Family History ay may premiere night sa July 23 at opening day nila on July 24 in cinemas nationwide.

Bianca naging palaban na!

Hinihintay na ng netizens na sumusubaybay kay Bianca Umali bilang si Sahaya ang bagong role na gagampanan niya, that of a dancing mermaid sa Ocean Park, Manila. 

Marami na raw natatanggap na tweet si Bianca na ayaw na nila ang cha­racter niya na laging mabagal magsalita, laging umiiyak at ayaw lumaban kahit inaapi na. Kaya kung napapansin daw, ang mga eksena niya ngayon ay lumalaban na dahil wala nang maaasahan ang nanay niyang si Manisan (Mylene Dizon) kung hindi siya. Nasa hospital si Manisan at hindi makakilos, simula nang mabundol ng sasakyan, kaya si Sahaya na lamang ang dapat kumilos para may ipambayad siya sa hospital.

Ang Sahaya ay dinidirek ni Eddys Best Director Zig Dulay at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

MICHAEL V

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with