Wala na marahil tatawad pa sa kakayahan ni Kathryn Bernardo bilang aktres, muli napili siyang Best Actress ng Eddys para sa kanyang performance sa The Hows of Us, nananatili pa ring movie for all time sa box-office. Second time na niyang manalong Best Actress, nauna na siyang pagkalooban ng Star Awards for Movies ng PMPC ng kaparehong pagkilala para sa isang pelikula na dinirek ni Cathy Garcia Molina, direktor din ng pelikula nila ni Alden Richards na Hello Love, Goodbye na sa trailer pa lamang ay nakikita nang muli niyang binigyan ng magandang pagganap.
McCoy tanggap na ang panliligaw ni Jameson sa ex
Kay McCoy de Leon ko mismo nakumpirma na walang bad blood na namamagitan sa pagitan nila ng kasamahan niya sa Hashtags na si Jameson Blake na balitang siyang pumoporma ngayon sa ex niyang si Elisse Joson.
Natanggap na niya na hindi sila ang itinadhana ng kapalaran ni Elisse at masaya siya kung matatagpuan nito ang happiness niya sa iba, maski na sa piling ng isang kaibigan. Napag-usapan na nila ito ni Jameson bago pa sila sumalang ng trabaho sa G!, isang barkadahang movie na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
Isa pa rin sa dinudumog na myembro ng sikat na dance group si McCoy na sumuporta sa pagbubukas ng ikalawang branch ng Child Haus, isang institusyon na tumutulong sa mga batang may sakit na kanser na sinimulan at itinataguyod ng pilantropo at salon magnate na si Mother Ricky Reyes sa tulong ni Hans Sy ng SM at ng pamilya nito na siyang nagbigay ng libreng lupa at gusali ng dalawang Child Haus, ang isa ay isang 7-storey bldg sa Agoncillo St, malapit lamang ng PGH at ang ikalawa ay nasa Mapangakit St. sa QC.
Si G. Hans din ang nakakuha ng 50 libreng laboratory test sa Hi-Precision Diagnostic Center para sa mga batang may sakit kada buwan. Ang unang Child Haus na unang pinatuloy ng PCSO sa kanilang compound sa Rodriguez Ave. ay kinakailangan na nilang iwan at umiiyak si Mother Ricky nang umapir siya ng TV para ito ikwento. Kuya Hans came to his rescue.