Kinasal na pala ang supermodel na si Heidi Klum sa kanyang fiancé na si Tom Kaulitz na miyembro ng bandang Tokio Hotel.
Sa isang public document na nakuha ng TMZ, noong February 22, 2019 pa raw kinasal ang dalawa at na-acquire ang marriage certificate. Heidi is 45-years old samantalang 29-year old lang si Tom.
Na-bash pa nga si Heidi for dating a man who is 16 years younger than her.
“Lately, I’m being reminded more about my age by people other than myself. My boyfriend is many years younger than me, and lots of people are questioning that and asking about it. That’s really the only time when age seems to be shoved in my face and I have to give an answer for it. I don’t really think about it that much otherwise. You have to just live a happy life without worrying too much about what people think because worrying is only going to give you more wrinkles,” sey ni Heidi.
Sinikreto raw nila Heidi and Tom ang kanilang pagpapakasal, pero nag-celebrate sila sa Mr. Chow.
Very special daw ang date na February 22 para kina Heidi at Tom dahil sa date na iyon una silang nagkakilala sa Grammy Awards noong 2018.
Kaya after one year sa kanilang relasyon, naisipan na nilang magpakasal on that special date.
Na-engage noong December 24, 2018 ang dalawa.
“Husband” na nga raw ang tawag ni Heidi kay Tom. Nagpaplano raw sila ng isang destination wedding naman.
Ito ang third marriage ni Heidi. Una siyang kinasal sa celebrity stylist na si Ric Pipino in 1997 at nag-divorce sila in 2002. Second marriage niya ay sa singer na si Seal in 2005 at nag-divorce sila in 2014.
Si Tom naman ay dating kasal kay Ria Sommerfeld in 2015. They divorced in 2018.
Mayor Vico tinalakan sa FB ang isang kumpanya
Tulad ni Manila Mayor Isko Moreno at QC Mayor Joy Belmonte na tutok sa pagbabago at pagtulong sa kanyang constituents, sunud-sunod din ang pagbabago na gustong mangyari ng bagong upong Pasig City Mayor Vico Sotto.
Kailan lang ay binisita ni Mayor Vico ang isang picket line ng worker’s union sa harapan ng Zagu Food Corp. sa West Capitol Drive sa Pasig City. Pinaglalaban ng mga grupo ay ang union busting at contractualization ng mga trabahador ng Zagu.
Nalaman din ni Mayor Vico na pinapa-disburse ng security personnel ng kumpanya ang naturang picket line. Kinuwestiyon ni Mayor Vico ang management kung bakit nito pinapatigil ang protest action ng mga trabahador nito.
Sa kanyang Facebook account ay nanawagan si Mayor Vico sa management and owner ng pearl shake maker na Zagu na bigyan ng pansin ng mga ito ang hinaing ng kanilang mga trabahador.